Kabanata 20

3.2K 100 108
                                    

Kabanata 20




Hindi ko alam kung paano ko pa nagawang makalayo sa kabila ng masakit at nagdurugo kong paa. Dinala ako nito sa direksiyong hindi pamilyar sa akin. Wala sa sarili akong naglalakad, iniisip ang masama kong loob kay Zach, noong napansin ko iyon.

“Nawala na naman ako…” pabuntong-hiningang bulong ko.

Nagpalinga-linga ako sa paligid habang naglalakad. Puro puno at halaman. Tirik na tirik ang araw at mga huni lamang ng mga ibon ang naririnig ko.

Nagbabaka sakali ako na makakita ng iba pang estudyante na puwede kong makasama pabalik sa camp site. Nawala ako. Hindi ko na makita ang mga tanda na inilagay ng mga teachers pabalik.

Delikado pala ito. Bakit nagpaganito ang mga teachers? Ngayon ko lang naisip.

Kaunting paglalakad pa ay nakarinig ako ng rumaragasang tubig. Para bang may ilog sa kung saan kaya dali-dali kong tinahak iyon bagaman nahihirapan dahil sa sugatang paa. At ganoon na lang aking tuwa nang makitang mayroon nga!

“Ilog!” tuwang-tuwang usal ko nang makita iyon.

Lumapit ako at nakitang malinis at malinaw na malinaw na tubig. Naubos na kanina pa ang tubig ko kaya uminom ako dala ng sobrang pagkauhaw. Pagkatapos uminom ay naghilamos ako ng mukha at nilinisan ang aking sugat na pinuluputan ko kanina ng panyo ko para matigil ang pagdurugo.

Nakarinig ako ng kaluskos habang naglilinis kaya natigilan ako at agad napalingon.

“Sino ’yan?!”

Kinabahan ako nang maisip na baka halimaw iyon o ano. Madalas pa naman kinukwento sa akin ng lola ko na may mga halimaw sa mga gubat kaya takot talaga akong pumasok dito kanina. Nakalimutan ko lang ang takot ko nang mamangha sa mga halaman pero ngayon, bumalik ang takot ko.

Huminga ako nang malalim at dahan-dahang tumayo, ang tingin ay hindi inaalis sa kung saan ko narinig ang kaluskos. Kapag nanonood ako ng horror movies, lagi kong nasasabihang tanga ’yong mga bida kasi nilalapitan pa rin nila ’yong mga lugar kung saan nagtatago ’yong mga aswang o multo pero parang naiintindihan ko na sila ngayon. Kyuryoso ako. Ganoon din siguro sila.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa kaba nang tuluyan ko nang hinawi ang mga halaman matapos lumapit. Hinanda ko na ang sarili ko sa kung anong puwedeng tumambad sa akin. Ngunit…

Napakurap-kurap ako. “C-Chasin?”

Mula sa pagkakayuko ay nag-angat ito ng malamig na tingin sa akin. Nakahilig siya sa isang malaking puno habang nakaupo sa mga tuyong dahon. Para bang kanina pa siya roon, natutulog o nagpapahinga. Hindi ko alam.

Kumunot ang noo nito sa akin, samantalang unti-unti namang sumilay ang malawak na ngiti sa aking labi. Nakahinga ako nang maluwag dahil bukod sa hindi naman pala halimaw ang nakita ko ay nakakita na rin ako sa wakas ng estudyanteng didikitan ko para ligtas na makabalik sa site.

Thank you, Lord! Akala ko ay hindi na ako makakakita pa ng ibang estudyante rito! Ligtas na ako!

“Anong ginagawa mo rito? Natutulog ka? Dito??” hindi makapaniwalang tanong ko.

Alam kong ilap siya sa mga tao pero hindi ko alam na weird din pala siya. Sinong normal ang matutulog dito mag-isa at sa gitna pa ng activity namin? Naisip ko tuloy na baka hindi man lang siya tumulong sa paghahanap ng mga tela ngunit nasulyapan kong may hawak siyang telang lila!

Tahimik at dahan-dahan na tumayo si Chasin. Lumakad ako palapit sa kanya para makausap siya nang maayos kaya lang ay napaigik ako nang hindi ko sinasadyang maitapak ang sugat ko sa paa.

“Aray ko po. Ang sakit…” Bumagsak ako sa sahig.

“Ano bang ginagawa mo, Miss Tabusares?” malamig na tanong ni Chasin.

TVD #5: The Day She ConfessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon