Kabanata 29

3.1K 95 75
                                    

Kabanata 29







"Jewel, ito pa. Paki hugasan pa ito..."

Nilingon ko si mama na naglapag ng mga pinagkainang plato sa lababo habang naghuhugas ako. Patapos na sana ako ngunit ngayon ay nadagdagan ulit.

"Sige po!" ngiting-ngiting sagot ko.

Natigilan si mama at natatawang kumunot ang noo sa akin. "Are you okay, Jewel?"

"Po?"

"Usually, magrereklamo ka na dahil dinagdagan ko na naman ang hugasin mo. Tapos ngayon, parang natutuwa ka pa?" nagtatakang tanong nito.

Ngumiti lang ako at humagikhik.

Nagtaas ng kilay sa akin si mama. "May nangyari bang maganda, anak?"

"Kasi... mama..."

"Ano??"

Magmula nang makauwi ako kanina ay hindi na mawaglit sa isip ko ang lahat ng nangyari. Ang pag-uusap namin ni Zach hanggang sa paghalik niya sa akin. Paulit-ulit na nga e. Para nang sirang plaka sa isip ko pero hanggang ngayon ay kinikilig pa rin ako nang sobra-sobra. Wala akong ibang naiisip kundi iyon lang.

Hindi ko na tinuloy pa ang pagkuwento kay mama. Bigla akong nahiya at naisip na baka pagalitan niya ako. Kahit pa tila ayos lang sa kanyang mag-boyfriend ako, hindi pa rin ako sigurado kung ayos lang ba sa kanyang nakikipaghalikan na ako sa lalaking hindi ko pa naman boyfriend. Malamang ay mababatukan niya ako. Kaya naman nagdahilan na lang ako na may nangyaring nakakatawa sa school kaya ako tawa nang tawa.

Pagkatapos kong maghugas ay agad na akong pumasok sa kuwarto. Matutulog na sana ako pero wala sa oras akong napabangon.

"Exam na nga pala bukas!" bulalas ko.

Mabilis kong tinungo ang study table ko, naaalala ang usapan naming dalawa ni Zach kanina.

"Tomorrow's the exam. Make sure you'll do your promise..." seryosong sabi niya.

Tumango ako habang nakanguso.

"Nag-review ka naman ba?"

"Oo naman!" agap ko. "Last week pa 'ko nagsimulang mag-review!"

"Good. I'll look forward, then."

Kinuha ko ang Math dahil doon ako pinaka nahihirapan. Mayroon pang mga topics ang hindi ko maintindihan at iyon muna ang aaralin ko. Mamaya na 'yong mga medyo madali.

"Si Zach kaya? Nagre-review din ngayon?" bulong ko nang matigilan.

Ngumiwi ako.

"Oo nga pala... nasa school ang mga libro at notebooks niya. Paano siya magre-review? Baka hindi na siya maka-rank 1 n'on!"

Imbes tuloy na mag-focus sa pagre-review ay nag-alala lang ako. Ilang beses kong sinubukang basahin 'yong math problem na balak kong sagutan pero talagang naiisip ko ang kapakanan ni Zach. Kapag mababa ang scores niya bukas, siguradong magi-guilty ako. Dapat siguro, pahiramin ko siya ng mga notes ko...

Pero pa'no ko naman magagawa 'yon? Hating gabi na.

Hindi ako mapakali hanggang sa naalala kong ibinigay nga pala ni Zach ang numero niya sa akin. Mabilis kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan siya. Ilang ring pa bago nito sinagot ang tawag ko.

"Hello, Zach? Sorry sa istorbo..." bungad na sabi ko.

"Hmm..."

"N-Natutulog ka na?!" hindi makapaniwalang tanong ko dahil sa tono ng kanyang boses. Tila ba tulog na siya at nagising ng tawag ko.

TVD #5: The Day She ConfessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon