Kabanata 33

3.3K 106 80
                                    

Kabanata 33







Uwian na noong habang naglalakad ako sa hallway ay nakasalubong ko si Zach. Hindi ko mabasa ang iniisip niya dahil blanko lamang ang kanyang ekspresyon nang nakatingin siya sa akin.

Napalunok ako habang naglalakad. Ilang metro pa ang agwat namin sa isa’t isa. Parang gusto kong tumalikod na muna at bumalik sa classroom. Ayaw ko siyang makasalubong. Makapaghihintay naman siguro ang mga kaibigan ko na nandoon na sa gate ngayon. Nahuli kasi ako.

Tumigil ako at umatras muna ng isang hakbang bago ako tuluyang tumalikod. Kaso, mukhang nahulaan ni Zach ang balak ko. Nakita kong bumilis ang kanyang lakad palapit sa akin. Kinabahan ako at natakot na abutan niya ako kaya nagdesisyon na akong tumakbo. Pero bago ko pa magawa iyon ay nahuli niya na ako. Hinawakan niya ang aking braso at sapilitan akong hinarap sa kanya. Napasinghap ako.

“You’re not going anywhere,” mariing sabi niya.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya’t sumalubong sa akin ang gusot niyang mukha.

“B-Bitiwan mo ’ko…”

“Let’s talk first.”

Umiling-iling ako.

“Jewel…” Namungay ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin.

Natakot akong manlambot at makaramdam ng pag-aalinlangan sa tingin niya na iyon kaya mas lalo akong umiling-iling. Yumuko ako para maiwasang makita ang mukha niya.

“K-Kailangan ko nang umuwi, Zach. Naghihintay sa akin ang mga kaibigan ko…”

“Mag-usap muna tayo…”

Umiling ako ulit.

“Come on, please. Just some few minutes,” kinakalma ang sariling turan niya.

Hindi ko alam kung bakit pumayag ako. Siguro dahil gusto ko rin talagang malinawan. Pero bagaman ganoon ang gusto ko, ayaw ko na ring ipagpatuloy pa ito.

Nitong mga nakaraang araw ay naalala ko ang lahat ng mga ginawa ko para kay Zach. Lahat ng effort, pasensiya at pag-intindi ko sa kanya. Na kahit napapahiya niya na ako noon ay ayos lang. Pero ngayong nalayo ako sa kanya at nakapag-isip-isip, hindi pala ’yon tama.

Unti-unting binitiwan ni Zach ang braso ko nang maramdaman niyang hindi na ako magpoprotesta pa. Bumuntong-hininga siya.

“Why are you avoiding me?” tahimik na tanong niya.

Umiling ako. “Hindi ko ’yon ginagawa.”

Umigting ang kanyang panga.

“Iniiwasan mo ako, Jewel. Do you think I’m dumb?”

Nag-angat ako ng tingin sa kanya dahil sa galit niyang tono. Bigla, parang nagalit din ako.

“Eh, ano naman ngayon kung ganoon?” sikmat ko.

Natigilan siya.

“Ano naman ngayon kung iniiwasan nga kita, Zach? Masama bang gawin ’yon?” Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para matapang na itanong iyon sa kanya.

Hindi siya agad nakapagsalita sa gulat. Napatigalgal siya sa akin. Para bang sinisiguro niya kung ako ba talaga ang nasa harap niya.

“Hindi ba galit ka sa akin?” sabi ko. “Hindi ko alam kung bakit—”

Pinutol niya ako. “Is this about that?”

Umiling ako.

“I’m sorry for being irrational. I’m just pissed that you don’t get what I want…” paliwanag niya pa rin.

TVD #5: The Day She ConfessedWhere stories live. Discover now