Chapter 3

917 55 28
                                    




Malia POV;

I just woke up at  ako ay nagulat ako sa aking nakita dahil sila mommy at daddy ay ang sinalubong ng aking mga mata.

"Anak" mom said at hinawakan nito ang aking kamay.

"O mom and dad, bakit kayo nandito? May problema po ba?" tanong ko sa kanila.

"You're nose was bleeding all night anak, tsaka hindi ka na namin magising ng daddy mo" napabigla ako sa mga sinabi ni mommy.

"What? Why" giit ko naman.

"Yes, honey, we hurriedly called your mother's doctor friend. She explained that as the mucus membranes in your nose dry out, the blood vessels become exposed, causing your nose to bleed. You should always drink water, honey. You have a fever right now, so let us take care of you for the time being, okay?" daddy said as he kissed me on the forehead.

"That's why ang putla ko pala kahapon kasi may mangyayare kagabi" banggit ko naman sa kanila.

"Don't worry anak, we're here ng daddy mo okay?" sambit naman ni mommy at biglang tumunog naman ang phone ni daddy, even if he wanted to stay and keep an eye on me, he couldn't because he was needed in his office.

"It's okay dad, sa totoo nga po I can handle myself kahit may sakit po ako" giit ko sa kanila.

"No, no, no anak, let your mom take care of you. Babalik rin ako kaagad kapag natapos na ang meeting" banggit naman ni daddy at nagpaalam na sa amin ni mommy.

"Kukuha lang ako ng maaligamgam na tubig at pupunasan kita anak" giit ni mommy sa akin na sana ay tatayo na ako at pupunta sa cr pero mukhang masakit talaga ang ulo at umiikot ang mundo ko kapag sinubukan kong tumayo.

"No anak, just stay in bed. Allow me to look after you right now" pagpipigil sa akin ni mommy at wala na rin akong nagawa kundi bumalik sa kinahihigaan ko.

Pagkalipas ng ilang minuto ay nakabalik na rin si mommy at may dala-dala na itong bimbo at pinunasan na ako.

"Ako na po" kukuhanin ko sana sa kamay niya pero pinigilan ako nito.

"Ay ako na" pagpipigil nito.

"Mommy, napaka protective mo talaga sa akin kapag may sakit ako" sabi ko sa kanya.

"Kahit wala ka namang sakit protective pa rin kami ng daddy mo sayo" sagot niya naman.

"Yun nga po eh, I'm already 16. I'm not a baby anymore" I said.

"Ah basta kahit anong edad mo ay ikaw pa rin ang baby namin" banggit nito and she touched my nose.

"Hay, sige na nga po. Wala rin naman akong magagawa. Don't you have work today mom? Kayo ni daddy" tanong ko.

"We have anak, but hindi naman ako palaging kailangan sa office and my assistant is there naman also your kuya's. Hindi naman talaga ako ganoon ka kailangan sa company namin ni daddy mo, except for him, for he's the CEO" sagot naman ni mommy.

"Kaya naman pala"

Pagkatapos akong punasan ni mommy ay susubuan pa sana ako nito ng pagkain niyang niluto but I insist na ako na.

"Mommy please, let me just do it myself po" I uttered.

Wala nang nagawa ito kundi binigay na lang sa akin ang soup.

"Kapag ikaw talaga ang nagluluto ang sarap"

"Nako, nambola ka pa Lia. Sige ka sabihan ko si manang na sabi mo ay pangit siya magluto" pang-aasar ni mommy.

"Mommy! hindi noh, iba kasi talaga ang luto niyong mga nanay. For it consist of love and passion" I answered.

Mom blushed for what I've said.

Wish Upon A Fading StarWhere stories live. Discover now