Chapter 9

681 56 43
                                    

Malia POV:

You're grounded Malia Victoria Araneta

"Shit" tahimik kong giit sa sarili ko and called mommy again to explain.

It simply rang but went unanswered. I even attempted to contact mama Imee and pops, but no one answered. Perhaps they are still sleeping.

"Hala na!" dagdag ko pa at bumangon na lang para makapag paligo na at para pagka gising ni Jessan mamaya ay aalis na lang kami.

I went to their cr and took a bath despite the fact that the water was freezing.

Ilang saglit din ay tapos na ako at nakabihis na. Nang makalabas ako ay nakita ako ng inay nito na kakagising lang and urged me to sip coffee.

"Teka hija, gigisingin ko lang si Jessan at para makauwi ka mamaya pagkatapos ng agahan sa inyo" daig nito at akmang aakyat na sana siya pabalik sa itaas ay sinalubong ito ni Jessan na kagigising lang.

"Magandang umaga po inay" sambit ni Jessan sabay mano.

"O gising kana pala anak, ayusin mo na ang iyong sarili at maghahanda lang ako ng almusal natin nang pagkatapos niyong kumain ay maihahatid mo na si Lia"

"Sige po inay, nasaan ng apo pala si itay?" tanong ni Jessan.

"Maagang nagising, kasi siya ang naatasan na magpakain ng mga hayop sa hacienda ni Don Ignacio sa ngayon"

"Ah ganoon naman po pala, sige po. Maliligo na lang po muna ako, morning Lia" giit nito sa akin.

"Morning" sabay kong nginitian.

Tutulungan ko pa sanang magluto ang nanay ni Jessan ngunit ako'y pinigilan nito at sinabihan na kung gusto kong magpahangin ay lumabas lang ako ng bahay nila at maganda raw ang bungad ng araw dito sa kanila.

"Sige na nga lang po, doon lang po ako sa labas. Matagal na rin naman po akong hindi nakapanood ng sunrise" sagot ko naman at tumungo na sa labas ng bahay nila.

Tita is correct, it is rather lovely here with them, particularly in the morning. With the clean breeze and a really wonderful view.

Nagtagal din ako ng ilang minuto dito and took some pictures.

"Natawagan mo na ba sila Lia" sambit ni Jessan sa gilid ko.

"Ikaw pala, I tried calling them awhile ago but it seems they're sleeping pa"

"May text bang iniwan sila sayo?" dagdag nito.

"Yes, kanina napagising nga ako nang mga call and messages nila ang nag popped up"

"Ano sabi?" tanong nito at ayaw ko naman na pati si Jessan ay madamay kung sakaling papagalitan ako ni mommy mamaya sa ginawa ko kaya iniba ko na lang ang sagot ko.

"Uhm wala naman, hindi naman sila galit. Basta ay maaga na lang ako makakuwi mamaya" sagot ko.

"Sigurado ka ba jan?"

"Yeah, I'm sure. Ang importante ay makauwi ako ngayon araw"

Suddenly tita called us to have breakfast.

"Tara na, pagkatapos natin mag-almusal ay iuuwi na kita" giit ni Jessan at kami ay pumasok na.

Nagdasal lang kami bago kumain at timing naman na dumating na ang tatay ni Jessan at gising na ang nakababatang kapatid nito.

"Nako, halina na kayo at sabay-sabay na tayong kumain" banggit ni tita.

"Magandang umaga ate Lia" sabi ni Remielle at nang tatay nito.

Wish Upon A Fading StarOù les histoires vivent. Découvrez maintenant