Kabanata 1

13.1K 556 327
                                    

KABANATA 1

HINDI mapagilang mapahikab ni Dalia habang hinihintay ang kapatid sa loob ng auto. Pinikit niya ang mga mata't sumandig sa ulunan.

Kahit pa naligo siya ng malamig na tubig kanina para makapasok ngayon ay hinihila pa rin siya ng matinding antok. Napuyat siya kaiisip sa dalawang bagay.

Una; kung tinotoo na ba ni Timoteo ang banta nitong pag-uukulan ng pansin ang ibang dalaga. Humupa na kaya ang emosyon nito? Naiintindihan na ba siya nito sa wakas?

Ang pangalawa naman, si Vier. Hindi itatanggi ni Dalia na "kakaiba" ang kanyang "katipan". At kinakailangan niya pang magsuri at magmatiyag mabuti upang mabuo ang mga hinala niya ukol dito.

"Mukhang napuyat ka, Dalia. Ano na namang pinagkaabalahan mo kagabi?" untag ni Lass pagkapasok nito sa likod ng auto, katabi niya. Kipkip nito ang dalawang libro sa mga bisig, habang may nakasabit na bagita sa isang balikat.

Dalia sat properly when Lass ordered their driver to start the car. Pagkalabas ng kotse sa hacienda patungo sa kanilang kolehiyo, ay nagpatuloy ang kapatid sa pagtatanong.

"Maaga namang natapos ang hapunan kasama ang pamilya nina Cypress kagabi, hindi ba? He was considerate enough to think about our class today when he could have stayed longer. Lalo na't nawili sa usaping negosyo sina Papa at ang kanyang ama."

"Matagal lamang dumapo ang antok pagkatapos kong mahiga sa kama."

Lass looked at her. "Tunay nga?"

Napahikab muli si Dalia at piniling tumanaw sa labas ng bintana. Kalahating oras ang biyahe bago makarating sa bayan kung saan matatagpuan ang munti at pribadong kolehiyo na pinapasukan nila ni Lass.

Monte Amor Agricultural and Business College. Iyon ang nag-iisang pribadong kolehiyo sa Monte Amor. Ang mga anak ng mayayaman at may kayang pamilya sa kanilang probinsiya ay doon nag-aaral kung hindi nagtutungo sa siyudad o sa Maynila.

May isa pang kolehiyo na pampubliko naman, ang Monte Amor Provincial College. Mas abot-kaya iyon para sa mga mas simpleng pamilya ng kanilang probinsya.

Magmula nang magwakas ang pananakop ng mga Hapon ay bumalik na sila ni Lass sa pagpasok sa mismong paaralan.

Noong may giyera pa ay itinago sina Lass at Dalia ng mga magulang sa hacienda at ipinapadala na lang palagi roon ang mga kailangan nilang mapag-aralan upang hindi mahuli sa pagtatapos. Kaya't sabik si Dalia nang makapag-aral ulit nang may mga kamag-aral na kasama. Lagi siyang may gana sa pagpasok araw-araw sa kolehiyo.

"Ang tamlay mo. Hindi kaya't ang pagtatalo niyo ni Timoteo ang hindi nagpapatulog sa 'yo?" nag-aalalang wika ni Lass.

Pumikit si Dalia. Hinilot niya ang sentido. "Napansin mo ba ang mga kilos ni Vier magmula pa noong Sabado?" pagliliko niya nang usapan.

"Kilos? Ang napansin ko lang ay kung gaano kabait si Cypress. He's very gentle and accommodating."

"Very gentle!" Napadilat siya at hinarap ang kapatid. "Napansin mo ba ang pilantik ng kanyang hinliliit habang umiinom ng tsa o 'di kaya nama'y habang hawak ang mga kubyertos sa pagkain? At ang pagtakip niya ng bibig sa tuwing natatawa, pati ang mahinhin niyang pananalita!"

Nanliit ang mga mata ni Lass at bahagyang napatingala. "Napansin ko nga rin iyon. Bihira sa lalaki ang ganoong pinong pagkilos. Ngunit hindi ba't mas maganda iyon dahil ibig sabihi'y isa siyang maingat na tao?"

"Maaari... Pero, hmm..." Napailing-iling si Dalia. Sige at iko-konsidera niya ang sinabi ng kapatid. Sabagay. Magpapatuloy pa siya sa obserbasyon. May tatlong taon siya!

Sa 'Kin Hanggang Wakas (Valleroso #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon