Kabanata 29

6.7K 497 113
                                    

KABANATA 29

KATULAD ng preskong hangin ang maginhawang daloy nang pagsasama nina Dalia at Vier. Maraming mga araw at buwan pa ang muling lumipas na mahinahon at maligaya.

Marahil nga'y malaking tulong ang mga panahong binuo nila sa pagkakaibigan. Tila walang nabawas sa respeto nilang magkabiyak sa katauhan at karera ng isa't isa. Patuloy pa ang paglago ng bawat plano nila para sa buhay na magkasama.

Bagamat ang pinagkaiba lamang ay wala nang pumipigil sa kanila upang mas magkaintindihan. Napakalinaw ng laman ng puso nina Vier at Dalia—na hindi nila kinahihiyang ipakita sa isa't isa.

Dumadalas maging ang pagsambit ng mga salitang may pagmamahal. Bukas ang kanilang mga tainga at puso sa tuwing isinasatinig ang mga saloobin.

Ang mga haplos, halik, kiliti, ngiti, tawa, bulong, singhap—at iba't iba pang tunog ng pag-ibig, pawang hindi na magwawakas.

Sa loob ng simbahan, nagdasal ng taimtim si Dalia. Inilikha siya ng Diyos na malakas ang loob at matibay sa mga pinaniniwalaan, nagpapasalamat siya.

She thanked God for giving her an equalizer, a gentle man. It must be God who allowed her to marry a man who holds hope, defines love, and views faith the same way as she does.

May buong katotohanan na ang tradisyon ng mga Valleroso at Salamanca ay hindi biro. Hindi dapat minamaliit. Hindi iyon bastang "tradisyon" lamang.

Gaano po kaya ito magtatagal? Hanggang sa kailan Niyo hahayaang magpatuloy? naitanong ni Dalia sa kalagitnaan ng pagdadasal.

Because if it's true that God causes all things to work together for good, then their family tradition that succeeded through the ages could be something He allows for a reason.

Hmm. Nakapagbibigay intriga sa kanya ito. Subalit nagpapasalamat siyang "sumunod" siya. O pinasunod siya ng Maykapal? Sinong nakakaalam?

Mas hinigpitan ni Dalia ang pagsalikop ng mga kamay at pagpikit ng mga mata.

Mula pagkabata ko'y binigyan Niyo 'ko ng tapang at lakas upang hindi maapi. Sa aking paglaki, lalo Niyo pang binuksan ang aking mga mata sa tunay na nangyayari sa aming mundo. Sa aking mga laban para sa mga babae at naaapi, ako'y Iyong wala batid na sinamahan.

Hindi man batid ng iba, subalit ang tanging sikreto nang hindi ko pagsuko sa aking mga adhikain ay Kayo, Diyos Ama. Nakikita ko ang tama at tuwid dahil sa Inyo. Ipinarinig Niyo sa akin ang Inyong tawag upang ako'y tumayo para sa mga pilit isinasadlak. At sa tuwing ako'y napanghihinaan ng loob upang magpatuloy pa, nagpapadala Kayo ng kalakasan.

Isa na roon si Vier at ang suporta nito sa kanya.

Sa mga panahong ako'y nagkakamali at napapangunahan ng labis na emosyon, nagiging agresibo at bayolente—sa aking pagsisisi at paghingi ng kapatawaran, agad Niyo 'kong hinahatagan ng kapangyarihan upang matuto at magsimulang muli sa tuwina.

Ang tiwala at lakas ng loob ay sana'y patuloy lamang na manggaling mula sa Inyo, Kristo. At hindi maging dala ng mapagmataas kong puso.

Humble me when I'm too dependent on my own capacity. Let the wind blow me away whenever I discredit You. Do not let me stand up if You're not my solid ground.

May You continue to help us—women, to succeed and progress. Not for self-merit nor revenge against our oppressors, but for Your glory that will last forever.

Huminga nang malalim si Dalia para sa pagtatapos ng kanyang panalangin.

Ang huli kong panalangin sana'y muli Niyong dinggin. Kung nakikita Niyong kami'y handa na ni Vier upang maging magulang, mabibiyaan Niyo sana kami ng munting supling.

Sa 'Kin Hanggang Wakas (Valleroso #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon