Kabanata 15

8K 578 273
                                    

KABANATA 15

"DALIA, nais mo ba 'kong tumuloy o nagbago na ang isip mo?"

"Nais kong tumuloy ka, Vier!"

Ngumiti ito at hinakawan siya sa kamay. "Kung ganoon, kailangan ko nang ilagay ang mga gamit ko sa maleta. Kailangan mong lumabas mula diyan..."

Tumawa si Dalia dahil nakaupo siya sa loob ng napakalaking bagahe ni Vier ngayon. Nasa siyudad siya upang tulungan itong makapag-empake sa mga dadalhin para ilang buwan nitong pagsasaliksik sa Estados Unidos.

"Nakakatuwa at kasya ako rito."

Marahan siyang hinila ni Vier patayo at lumabas na nga siya mula sa loob niyon. "Kung tumagal ka pa diyan ay ikaw na ang isisilid ko."

Umirap siya rito. "Gawin mo nga." Mas ninanais niya iyon!

He chuckled and pulled her beside him. "Maluwag bang tunay sa loob mo ang pagpayag sa pag-alis ko? Sabihin mo lang ang totoo at maaari pa 'kong hindi tumuloy bukas kasama si Ramil."

Nais niyang tumuloy ito. Ayaw niya lamang na kasama nito si Ramil!

Lilipad na bukas ang mga ito mula sa siyudad ng Cebu patungo sa Maynila. Mula sa Maynila ay sasakay muli ng eroplano ang mga ito palabas ng Pilipinas.

"Mas ikalalago ng propesyon mo ang pagpunta mo roon. Mas lalawak ang mga oportunidad mo bilang doktor, Vier. Hinding hindi ko pipigilan iyon," tunay niyang pahayag bagaman nakairap pa rin.

"Anong dahilan ng pagsisimangot mo ngayon kung ganoon?" Nag-umpisa na si Vier sa paglalagay ng mga damit nito sa loob ng malaking maleta.

She held her tongue.

Abala si Vier sa paglalagay ng mga damit sa bagahe nang lumapit siya sa pinto ng silid at sinara iyon.

Napatigil si Vier sa pag-e-empake. "Dalia, huwag mong isara ang pinto at hindi magandang isipin na nakakulong ka sa silid at ako lang ang kasama."

Sinabi na nito iyon kanina. Ngumisi lang siya. "Hayaan mo silang mag-isip ng hindi maganda. Magkasintahan naman tayo!"

Umiling ito at lumapit sa pinto upang buksan muli iyon. "Ayokong pinag-iisipan ka ng masama ng mga tao."

Lumabi siya at lumayo sa nakabukas na ulit na pinto. Lumapit siya sa maleta at tinanggal isa-isa ang mga damit na nauna na nitong ilagay sa loob niyon.

"Dalia..." Mahinahong saway ni Vier. He's half amused and half confused.

Lumapit na ulit ito at ibinalik sa loob ng maleta ang mga damit na inalis niya. She chuckled. "Hindi ka magandang tuksuhin. Hindi ka lumalaban."

"Wala naman akong laban sa 'yo," anito habang nag-e-empake na muli. "At akala ko ba'y tutulungan mo 'kong mag-ayos ng mga gamit kaya't lumuwas ka?"

Kumilos na si Dalia at tinulungan na ito sa paglalagay ng mga damit sa loob ng bagahe. "May sarili kang silid doon, ha? Hindi kayo magkasama sa iisang silid ni Ramil?" pasimpleng paninigurado niya.

"The team provided us separate rooms with working areas. Hindi rin naman akong komportableng may kasamang iba sa silid."

"Paano sa oras na magpakasal na tayo? Iisa lang ang silid natin," aniya habang nagtutupi ng damit. Hindi siya mahilig sa ganito at may taga-empake siya ng mga gamit sa mansyon. But Dalia wanted to spend more time with Vier before he goes away far away.

"That's a different matter, darling."

Tumingin siya rito. Sabagay nga naman. Mas hindi matutukso si Vier sa kanya dahil babae siya. Napabuga siya ng hangin at saka kinuha ang makapal at malaking panlamig nito. Akmang isisilid niya rin iyon ngunit pinigilan siya ni Vier.

Sa 'Kin Hanggang Wakas (Valleroso #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon