Ang Wakas

12.4K 664 281
                                    

This is the last for the gentlest Valleroso.

Until the next book!

******

ANG WAKAS

"MAY nais pa 'kong ipagbigay alam sa 'yo."

Napatingin sa kanya si Vier mula sa pagpapakain nito ng dayami kay Olivia. "Nabanggit ni Papa na nagpapasabay kang magpabili ng bagong kabayo para sa 'kin. Iyon ba?"

Nagusot ni Dalia ang ilong. Kumuha pa siya ng dayami at pinakain kay Hiwaga mula sa kanyang kamay. "Hindi ko na ipagpapatuloy pa iyon. Nang sinabi ko iyon ay malungkot lamang ako at tila marapat na may maihandog ako sa 'yo."

"Gawa ng munti nating hindi pagkakaunawaan? Hindi na kailangan ng bagong kabayo, Dalia. Sapat na para sa 'kin si Olivia." Hinaplos pa ni Vier ang leeg ng isang taong gulang na kabayo.

Napabuga ng hangin si Dalia. "Malungkot ako at tila malakas ang pagnanais na may maihandog sa 'yo sapagkat... Noong isang linggo ay nabigo ang damdamin ko pagkatapos magpatingin kay Dra. Mirhan."

Natigilan si Vier nang binanggit niya ang OB-GYNE. Bumaling muli ito sa kanya. "Nagpatingin ka..."

Tumango si Dalia. "Sinamahan ako ni Lass dahil may mga senyales na maaaring nagdadalang-tao ako. Subalit hindi pa pala." Napabuga na naman siya ng hangin.

Ang pagkahilo at pagbagsak mula kay Hiwaga ay tunay na dulot ng kulang na tulog, taas ng sikat ng araw, at pagod mula sa trabaho. Ang malakas niyang pagkain at pagtaas ng emosyon ay dala lang rin ng parating na regla. Ang minsang pagduduwal naman ay dala ng hindi niya pagkain sa mga tamang oras kaya't nangasim ang sikmura.

"My period was late for the first time, too..." Napayuko si Dalia. Hindi na natago ang lungkot. "Kaya't buong sapantahan namin ay nagdadalang-tao na 'ko. Subalit hindi pa pala. Dumating din ang aking dalaw pagkatapos magpatingin sa doktora."

Sa pagdating ni Vier ay sandali niyang nakalimutan ang pagkabigo. Gayunpaman, naging labis ang kanyang paglambing nang unti-unting naaalala na sana'y kasabay nang kanilang pag-aayos ay maganda sanang ibalita ang pagdadalang-tao. Pero, anong ibabalita kung wala pa naman palang laman ang kanyang sinapupunan?

"Ngayon na lamang ulit ako nakaramdam ng ganitong pagkabigo," pag-amin niya. "Bagaman pinayuhan ako ng doktora ng mga marapat kong gawin, kung nais kong mapabilis ang pagdadalang-tao."

Inabot ni Vier ang kanyang kamay at pinagsalikop ang kanilang mga daliri. Pag-angat niya ng mga mata rito'y sinalubong siya nito ng mapag-unawang ngiti.

"Naiintindihan ko, sinta. Huwag kang mag-alala at huwag mawalan ng pag-asa. Marami tayong panahon upang sumubok pa nang sumubok."

Napalabi siya. "Batid ko. Pagbubutihin ko pa ang pananalangin. At ang payo ni Dra. Mirhan, maganda kung magpapahinga muna ako mula sa mabibigat na trabaho rito sa hacienda..."

Nakagat niya ang ibabang labi. "Naisip kong ipagpaliban muna ang iba kong trabaho at ipasa kay Lino. Titingin-tingin pa rin ako sa maisan at bakahan subalit hindi na buong maghapon at hindi na araw-araw."

"Ah." Tumango-tango si Vier. "Mas nalulungkot ka sapagkat may kailangan kang isakripisyo."

Napapikit si Dalia. Kuhang-kuha siya nito. "Hindi ako sanay nang walang maraming ginagawa at hindi abala, Vier! Kung kaunti lang ay nakababagot.

"Gayunpaman, mas higit ang kagustuhan kong magkaroon tayo ng anak. Kaya't... Kaya't handa naman akong hindi muna mag-trabaho upang makabuo lamang tayo!"

Sa 'Kin Hanggang Wakas (Valleroso #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon