Kabanata 24

12.6K 666 347
                                    

KABANATA 24

Year 1948

"NAKIKIUSAP lamang ako. Pakisamahan mo ng mas magiliw pa si Dalia. Lalo pa't wala naman siyang ginagawang hindi rin kaaya-aya sa iyo," seryosong pakikipag-usap ni Vier sa matalik na kaibigan.

Kumunot ang noo ni Ramil at humalukipkip. Sumandal ito ng bahagya sa istante ng mga libro at dokumento.

"Nag-iingat lamang ako, Olivier."

"Saan ka naman dapat mag-ingat? Gayong hindi ka naman sasaktan ni Dalia?" Mas masasaktan pa ito kung hindi babaguhin ni Ramil ang pagtrato kay Dalia. Hindi niya mapipigilan si Dalia kung bigla'y manuntok ang dalaga oras na mapuno kay Ramil.

Umiling-iling ito at tinitigan siya ng diretso sa mga mata. "Nabanggit mong kabubuwag lamang ni Dalia sa isang lihim na relasyon. Kasasawi pa lamang mula sa unang pag-ibig, subalit kung makadikit sa 'yo'y tila ka pag-aari? At tuloy-tuloy pa ang paglalambingan niyo sa harap ng iba nating kaibigan? Ang Dalia na iyan, halatang ginagamit ka, Vier."

Bumuga siya ng hangin at marahang umiling. "Mag-ingat ka sa anumang inaakusa mo sa kanya sa harap ko..." mahinhing babala niya rito.

"At bakit, Vier? Batid mong maaaring ginagamit ka lamang niya upang makalimutan ang pagkasawi! Pumapayag ka ba sa ganoon? Tignan mo't lumuwas pang talaga upang makasama ka sapagkat nalulungkot iyan, panigurado!"

"Ramil, maaari ba? Walang kaso sa akin kung ako ang hinahanap ni Dalia habang nalulumbay. Iyon naman ang tungkulin ko bilang kanyang katipan—"

"Katipan!" Tumuwid ng likod si Ramil at kinamot ang tainga na tila nasaktan iyon. "Huwag kang maging hangal diyan! Batid nating tatlo na hindi ganoon ang inyong relasyon. Ginagamit ka lamang niyang si Dalia. Paano kung bumalik ang una niyang pag-ibig? At ikaw ay ano? Magmumukmok na naman sa isang tabi?

"Batid mo ba, kung gaano kang kaawa-awang tignan noong mga nakalipas na taon? Labis kang nagtiis nang may kinagigiliwang iba ang paslit na iyon!"

Napaatras si Vier dala ng lakas at diin sa boses ng matalik na kaibigan. "Hindi na bata si Dalia, Ramil..." mahina niyang pagtatama.

"Kahit pa! Paslit pa rin iyon sapagkat hindi naman nagbabago ang tanda natin sa kanya. At ano, sagutin mo ako! Hinahayaan mo ba si Dalia na gawin kang panakip-butas?"

Tinulak niya ito nang masyado na itong malapit at wala na siyang aatrasan kung hindi ang pader ng opisina. "Ramil, ang tanging hiling ko'y pakisamahan mo ng mabuti si Dalia."

Seryoso at matigas na ang tinig ni Vier. "Kung hindi mo magawang maging magiliw ay kahit manahimik ka na lamang. Matatanda na tayo. Alam ko ang mga ginagawa ko.

"Batid ko ang pag-aalala mo para sa 'kin, Ramil. Maraming salamat sa pagiging tunay na kaibigan. We've been friends since childhood. Napakarami ng pang-aalipusta at pang-aaway na pinagdaanan nating magkasama at magkakampi. Kaya nga't ikaw ang pinakamatalik kong kaibigan.

"Subalit kung sa tuwina ay hindi mo pinakikisamahan si Dalia ng mabuti, magagalit na 'ko sa 'yo." Tinaas ni Vier ang noo at nagbigay babala gamit ang mga mata.

Napangisi si Ramil ng sarkastiko at nakipagtagisan sa kanyang titig. Itinaas din nito ang noo. "At anong ibig mong iparating, Dr. Valleroso? Oras na magsumbong na naman iyang 'nobya' mo sa iyo'y makakaya mong talikuran ang pagkakaibigan natin?"

Hindi niya ibig na umabot sa puntong iyon. Subalit kung...

"Mahalaga sa 'kin si Dalia, Ramil. Noon pa'y batid mo na. Hindi niya kasalanang solo niya ang pagtingin ko. Kaya't anong rason upang hindi mo siya pakisamahang mabuti?"

Sa 'Kin Hanggang Wakas (Valleroso #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon