Kabanata 21

9.2K 610 354
                                    

KABANATA 21

Cebu City, 1932

"VALLEROSO, Cypress Olivier Salamanca."

Sa pagtayo ni Vier mula sa kinauupuan ay siyang simula nang bulungan.

"Suriin mo ang kanyang pagkilos. Kawangis sa isang babae!"

"Olivier, what do you want to be when you grow up?"

"When I grow up, I want to be a doctor."

"Pati pananalita'y katulad sa babae."

"Hindi diyata't isa siyang binabae?"

Mahinang pagtawa. "Isang alanganin!"

"Why do you want to be a doctor, Olivier?"

"Because I want to cure people from their sickness. My grandfather is a doctor, too, Miss. I want to be like him. "

"Very good, Vier. Thank you. You may take your seat."

Marahang bumalik sa pagkakaupo si Vier. Tinuwid niya ang likod at inilagay ang dalawang kamay sa ibabaw ng hita.

"Pst, Vier! Bakit tila isa kang babae sa pagkilos at pananalita?" mahinang sulsol ng isang lalaking kaklase. "Diyata't hindi ka lalaki?"

Hindi ito pinansin ni Vier. Ang mga mata ay nakatingin lang sa harap habang nakikinig sa iba pang kaklase na tinatawag at tinatanong ng maestra.

Bilang labing-isang taong gulang, at magmula nang nagsimulang pumasok sa paaralan, hindi na bago kay Vier ang panunukso sa kanya buhat ng mga malamya niyang pagkilos.

Subalit hindi niya masisisi kung paulit-ulit sa kanyang mangyari ang mga ito sapagkat palagi'y nasa bago siyang eskuwelahan. Bawat taon, bago ang mga mukha ng kamag-aral, bagong kakilala...

"Dapat ay hindi ka nakaupo sa aming hanay ng mga lalaki. Doon ka sa mga babae!" patuloy na bulong at pang-aasar ng iba pang kaklase.

The school bell rang. Huminto sa pagtuturo ang maestra at pinatayo silang lahat. Pagkatapos ng isang maikling dasal ay maaari na silang umuwi.

Vier gently pulled up his backpack. Isinukbit niya iyon sa mga balikat at masunuring pumila sa linya ng mga lalaki. Kailangan iyon sa tuwing lalabas silang lahat ng silid-aralan.

"Mauna ka na, Vier! Ladies, first!" mas malakas na ang boses ng mga kaklaseng lalaki.

Hindi niya pinansin ang mga ito. Nanatili siyang nakatayo ng tuwid at naghihintay sa pag-andar ng pila. Nang makalabas na lahat ng babaeng kamag-aral ay siyang pag-abante ng kanilang pila.

Muntik nang mapatid si Vier nang itulak siya ng isang lalaking kaklase mula sa kanyang likod.

"Napakabagal! Bilisan mo, Olivier!"

"Babae ka ba't napakabagal mong kumilos?"

Napayuko si Vier sa sapatos na nadumihan dahil sadyang tinapakan ng isang kaklase na nasa harapan niya.

"Hindi ka makasagot mula pa kanina! Tunay kang duwag, ano! Hindi ka lalaki!" Tinapat mismo ng kaklase ang bibig nito sa kanyang tainga at sinabi iyon ng malakas.

Hinarap niya ito. "Huwag... niyo... akong... subukan..." Dahan-dahan at mahina niyang bitaw sa bawat salita.

Pinalibutan siya ng limang kamag-aral na lalaki. Halos lahat ay kasingtangkad niya.

Sa 'Kin Hanggang Wakas (Valleroso #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon