Kabanata 23

8.8K 619 343
                                    

KABANATA 23

BATID ni Vier na hindi magiging madali ang pagbihag sa puso ng isang Dalia Salamanca. Kaya't sa tiwalang ipinagkaloob nito ay balak niyang unti-untiing makalapit dito.

Buo ang loob ni Vier na lumusong sa kahit ano pang butas ng karayom, para lang magkaroon ng espasyo sa puso ng dalaga.

Kaya't sa paanyaya ni Dalia na ipapasyal siya sa buong Monte Amor ay hindi siya tumanggi, kahit pa kabisado naman niya ang probinsiya sapagkat namamasyal sila palagi noon ni Estefan. Nagpanggap na lamang siyang walang alam kunwari upang makasama ang dalaga.

Ang plano rin ni Vier ay hindi ilihim muna kay Dalia ang pagsinta rito. Hangga't sa maaari, ayaw niyang matakot ito o umiwas at lumayo dahil sa umusbong at umuusbong niya pang damdamin para rito. She won't still appreciate him also, because Timoteo's still occupying her sight.

Ngunit paano bang ililihim ang damdamin kung hindi niya mapigilan ang sarili na maging maasikaso rito.

"Dadalhan mo si Dalia ng pagkain sa kolehiyo, anak?"

Tumango si Vier at pinatay ang apoy. Katatapos lang niyang magluto ng kare-kare. Sana'y magustuhan ni Dalia.

"Marami po akong niluto upang pagsaluhan nating magkakamag-anak. Ngunit ito po ay kay Dalia..." Maingat niyang nilagay sa isang lalagyanan ang ulam at habang mainit-init pa'y tinakpan ng bahagya.

"Dalawang araw pa lang kayong nagkakakilala at ganito ka na kaasikaso sa kanya." Humagikgik ang ina. "Subalit tama lang dahil ito na ang itinakdang oras ng tradisyon upang mag-umpisa ang inyong suyuan."

Mas napangiti si Vier. Bahala na kung sila lang ni Dalia ang nakababatid na may iba itong ginigiliw sa ngayon. Ang mahalaga, magawa niya ang parte.

"Salamat sa paghihintay, Cypress. Ito na si Dalia," nakangiting sabi ni Lass nang nasa labas na siya ng kolehiyo dala ang nilutong ulam. Eksaktong nakita niya si Lass kanina at ito mismo ang tumawag kay Dalia mula sa loob upang personal na matanggap ang dala niya.

Nakatitig sa kanya si Dalia, hindi nagbibitiw ng tingin mula nang magkita ang kanilang mga mata. Tumingala pa ito sa kanya. "Dinalhan mo raw ako ng tanghalian?"

Nanatili ang kanyang ngiti. "Napag-alaman ko mula sa mga kamag-anak na malapit lang sa tinutuluyan namin ang iyong kolehiyo. Kaya't naisipan kong ibahagi sa 'yo ang niluto kong tanghalian."

Itinaas niya ang isang munting bayong na kulay berde.

"Ikaw ang nagluto?" Tunay ang gulat sa tinig ni Dalia. "Marunong ka sa kusina?"

Marahan ang pagtango ni Vier. His mother taught him.

Biglang tumamis ang mga ngiti ni Dalia! "Maraming salamat sa pag-aabala. Hahatulan ko kung masarap ang iyong luto! Kung hindi, hindi ko itutuloy ang pamamasyal nating dalawa."

Tinakpan niya ng palad ang bibig at marahang tumawa. "Hindi kita bibiguin, Dalia."

"Marapat lang!" Tinapik-tapik nito ang balikat niya. "Pasensya na at hindi kita maaanyayahan sa loob dahil mahigpit ang mga taga-bantay. Magkita na lamang tayo mamaya... kung hindi sasakit ang aking tiyan dito," biro pa nito.

Nandito lang ang buo niyang atensyon subalit kanina pa rin nararamdaman ni Vier na pinagtitinginan sila. Inangat niya ang mga mata at nakitang may dalawang binata ang dumaan sa kanilang gilid. Pawang sumusulyap kay Dalia...

Sinundan niya ng tingin ang dalawang lalaki at naisip niya, hindi lang kaya si Timoteo ang karibal niya? Ito ang mga lalaking kaedad ni Dalia o malapit sa edad nito. Habang siya ay matanda na at—

Sa 'Kin Hanggang Wakas (Valleroso #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon