Kabanata 22

10.3K 601 231
                                    

KABANATA 22

TUNAY ngang sa bingit ng kamatayan, magagawa ng isang taong manalangin ng taimtim. Umaasam ng labis na madinig ng Makapangyarihan sa lahat.

Isang pang pagkakataon sa buhay, huling naalalang dasal ni Vier bago siya mawalan ng malay habang nasa loob pa rin ng kotseng sumadsad sa madilim na bangin.

He was still sixteen. I'm too young to die, God of heaven, Vier silently pleaded.

Gayunpaman, hindi ba't kasalanan niya rin kung nasaan siya ngayon? Batid niyang hindi dapat siya tumakas sa bahay, hindi uminom hanggang sa malasing, hindi nagmamaneho ng walang lisensya... Isa itong resulta sa pagrerebelde niya.

Kung gayon sana'y mapatawad din siya at mahabag ang Maykapal. Sana'y sagipin siya at maniwalang sa muling pagdilat niya'y mas pahahalagahan niya ang buhay. Makukuntento na siya sa kahit gaano kaliit na atensyon ng mga magulang. Ang mga pangarap niya, nais niyang maabot pa.

At ang tradisyon ng kanilang pamilya, naghihintay sa kanya...

Isa pang pagkakataon, magiging mas malawak pa ang kanyang pasensya sa lahat ng susubok niyon. Vier promised the Lord of lords that he wouldn't raise a fist to anyone ever again.

Just please, just one more chance...

Please, God.

He would change... for the good. Just one more life to purposely live...

Hinabol niya ang hanging agad dumaloy sa kanyang baga. Sa muling pagbukas ng mga mata, ang nakatunghay na mukha ng mga magulang ang bumungad kay Vier.

"A-Anak! Gising ka na ulit, anak ko!" iyak ng ina. Nadama niya ang mahigpit na paghawak nito sa kanyang mga kamay. "Salamat sa Diyos, salamat sa Diyos! Pangako, anak, ikaw na ang laging uunahin ko. Nanalangin ako. Mabuhay ka lang at hindi ko na sasayangin ang pagkakataon na maalagaan ka sa tuwina..."

"I have the same prayer, too..." his father whispered, now with wet eyes too. "Tama ka, anak. Hindi namin namalayan ng iyong ina ang mga panahong hindi ka namin nasubaybayan sa paglaki... Walang silbing naibibigay namin sa 'yo ang lahat ng materyal na bagay kung kapalit naman niyon ay hindi ka namin naaalagaan ng mahusay. Patawad, anak. Nagsisisi ang Mama at Papa..."

"Patawarin mo kami, anak..." Mabining hinaplos ng ina ang kanyang mukha. "Patawad sa lahat ng aming pagkukulang... Hindi na mauulit iyon, Cypress. Hinding hindi na muli..."

Kahit hindi maikilos ang buong katawan at leeg, kusang dumaloy rin ang mga luha sa mga mata ni Vier. Isang mainit na pisil sa kanyang puso ang nadama.

When he told God he'll be content in whatever his parents would give, the Lord made this happen.

He was not just rescued from death, he was even rewarded!

Iyon pala ang tinatawag na "grasya ng Panginoon". Buong akala niya noon ay pagkain at pera lang ang tinatawag na "grasya".

Grace...

How sweet it is to be heard, seen, and loved more than you expected?

To be forgiven, restored, and be well taken care of?

Maybe God can generously give such grace to the undeserving.

"Undeserving, huh?" ani Estefan nang huling araw ni Vier sa pagpapagaling sa Monte Amor.

Bukas, babalik na sila ng mga magulang sa siyudad. Naghilom na ang lahat ng sugat at pasang natamo mula sa aksidente. Naigagalaw na niya ng malaya ang leeg at nadadama na niyang muli ang lakas sa katawan.

Sa 'Kin Hanggang Wakas (Valleroso #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon