Kabanata 11

7.7K 519 335
                                    

KABANATA 11

KATULAD ng inaasahan, ganoon na lang ang gulat ni Vier nang makita si Dalia. Kaya naman magmula nang magising ito ay ramdam niya ang pagka-aligaga nito sa hindi inaasahang pagbisita niya.

            "Sigurado akong napagod ka sa pagmamaneho. Magpahinga ka muna, ihahatid na kita sa bahay," pag-asikaso nito.

            Mabilis umiling si Dalia. "Hindi, Vier. Isang ensayo ang pagbiyahe ng matagal. I had fun, nevertheless. Kumain ka na. Huwag mo akong masyadong alalahanin at mas pagod ka pa kaysa sa 'kin."

            Napakurap ito. "Hindi naman sa ganoon..."

            Tinuro niya ang lamesa kung saan ito natutulog kanina. "Himbing na himbing ka, Dr. Valleroso. Saksi ako ng buong dalawang oras ng malalim mong pagtulog."

            Hindi umalis si Dalia buong oras na iyon. Inaliw niya lang ang sarili sa loob ng opisina nito at nagbasa-basa ng mga librong nandoon. Siniguro niyang hindi na makakapanubok muli si Ramil!

            Sinasabi niya na nga ba't tama siya ng hinala sa isang iyon unang pagkikita pa lang nila!

            "Pasensya na at nainip ka siguro, Dalia." Huminga nang malalim si Vier at sandaling napapikit. "Dapat ay ginising mo ako."

            "Hindi ko ibig ang mang-istorbo ng tulog. Dahil kung ako ang ginising habang nagpapahinga, maghahamon ako ng away."

            He chuckled lightly, his palm covering his lips. Sumandal ito sa upuan at tinignan ang pagkaing kanina niya pa hinanda para rito.

            Sumubo ng malaking ulam at kanin si Dalia. Kanina pa rin siyang nagugutom, subalit hindi niya nais unahan si Vier sa pagkain. Mas masarap din namang kumain kung may kasalo kaya't hinintay niyang magising ito.

            "Hindi pa rin ako makapaniwala..." mahinhing sambit ni Vier. "Nandito ka... Ngayon..."

            Ngumuya-nguya pa siya nang balingan ito. Nakatitig ito ng diretso sa kanya. "Anong hindi kapani-paniwala? Ngayong beinte anyos na 'ko ay mas madaling makaluwas-luwas ng siyudad kung bibigyan ko ng oras."

            Malambot ang ngiti nito. "Hindi ako makapaniwalang ikaw na ang pumupunta rito... sa 'kin. Ikaw na ang lumalapit... sa 'kin."

            Tumawa si Dalia. "Kung makapagsalita ka'y tila kay tagal mong hinintay ang pagkakataong ako ang kusang bumisita sa 'yo!"

            He laughed, too. Ibinaba na nito ang tingin sa pagkain. "Hindi karaniwan na ang nobya ang naglalakbay ng ilang oras masilayan lang ang nobyo."

            "Kakaiba ako, sinta!" Biro ni Dalia kasabay ng pagtawa. Sa totoo lang, ngayon niya lang ito nagawa para sa isang kaibigan. Kahit ganito ay makabawi man lang siya sa lahat ng ginawa ni Vier para lang madamayan siya sa kanyang kasawian. It's rare to have a friend like him.

            Ngumuya-nguya ulit siya ng pagkain. Labis pala ang kanyang gutom at hindi niya agad nabigyang pansin. Isang himalang nahintay niyang tunay si Vier na magising bago muna kumain.

            "May gagawin ka pa pagkatapos nito?" Tanong niya pagkatapos malunok ang pagkain.

            "Oo. Sa katuyan ay hanggang bukas pa ang pananatili namin ni Ramil dito sa ospital upang matapos ang pinag-aaralan naming kaso ng sinasabi ko sa 'yong pasyente. Malubha na ang sakit sa puso..."

            Napasimangot siya agad nang maisip na magdamag nitong kasama ang mapagsamantalang kaibigan nito! Isumbong niya kaya ang panunubok ni Ramil dito?

Sa 'Kin Hanggang Wakas (Valleroso #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon