Kabanata 25

8.1K 557 151
                                    

KABANATA 25

NGAYON lamang napagtagni-tagni ni Vier ang lahat.

       Umiibig rin pala sa kanya si Dalia. At hindi lamang bilang isang kaibigan! Iniibig din siya nito sa paraang iniibig niya ito. Nakikita na siya nito sa paraan kung paano niyang itong nakikita. Noon pa pala nag-iba ang ihip ng hangin!

       He suddenly remembered the last Christmas before they got married...

       "Saan tayo patungo, Dalia?" tanong niya rito nang may pagtataka at pagtitimpi.

       "Kung sasabihin ko'y hindi na magiging sorpresa!"

       Hawak nito ang kanyang kamay at hinihila siya sa isang madilim na lugar. May sorpresa raw ito para sa kanya. At kahit naliligayahang nag-abala pa ito upang handugan siya ng sopresa ngayong Pasko, nagtitimpi rin si Vier sapagkat nakapag-solo na naman sila. Hindi pa napapansin ni Dalia na sa paghawak pa lang nito ng kamay niya'y tila siya nawawalan ng hangin sa baga. Sanay ang mga mata ni Vier sa dilim, kaya't naaaninag niya ang mga puno.

       Kung hindi lang sa kanyang mga prinsipyo at paniniwala sa buhay, kanina niya pa hinigit si Dalia at saka isinandal sa puno. Vier—if still aggressive, could have cornered this brave beauty. Then, kiss her until she turned weak in the knees.

       However, he predicted that even though he could do such a thing, Dalia would surely punch him in the face before he could even get his lips on hers.

       Matalim siyang napabuga ng hangin. Kung kailan palapit na ang kasal at saka dumadalas ang mga malisyosong kaisipan patungkol sa nobya. Nawa'y patawarin siya ng Panginoon! Hinding-hindi naman niya magagawang manghalik nang walang pahintulot ni Dalia.

       "Nahahapo ka na ba, Vier?" Biglang huminto si Dalia sa paghila sa kanya sa kalagitnaan ng dilim. "Tila hindi na pantay ang iyong paghinga."

       Hindi ba pa napapansin ni Dalia? Ito ang kung bakit sa tuwina's kinakapos siya ng hangin! Let's just continue walking. I'm getting by perfectly."

       "Tunay nga?"

       Muntik na siyang mapapitlag nang mas lumapit ito. At saka dumapo ang mainit na palad ni Dalia sa kanyang dibdib. O, mahabaging langit!

       "Malakas ang kabog ng iyong puso, Vier! Ah, masyado sigurong matulin at malakas ang pagkakaladkad ko sa 'yo! Magpahinga muna tayo kung ganoon."

       Ano? Mas magtatagal pa silang dalawa lang sa madilim na kakahuyan na ito? Mas lumakas ang pagdadasal ni Vier sa isip. Nawa'y makapagtimpi pa siya ng mas mahusay at mahaba!

       "Hindi na, Dalia. Magpatuloy lang tayo sa paglalakad. Umaakyat ako ng mga bundok para sa iba't ibang medical missions, tanda mo? Sanay ako sa mga ganito kahit kaladkarin mo pa 'ko nang mas mabilis," malumanay na paliwanag niya rito.

       Mas lumapit pa muli ang katawan nito sa kanya. Dalawang kamay na nito ang lumapat sa kanyang dibdib. Malamig ang simoy ng hangin subalit nagsisimula nang mamuo ang pawis sa noo ni Vier.

       "Sigurado ka ba? Mas bumilis ang tibok ng puso mo, Vier. Pagod ka na! Magpahinga muna tayo. Dito, maupo ka." Puno nang pag-aalala ang tinig ni Dalia.

       Hindi na nakaimik si Vier nang hilahin siya nito sa isang gilid. Napaupo na lang siya sa malaking ugat ng puno.

       Nanatiling kalmado si Vier kahit na tama si Dalia—hindi na magkamayaw ang kabog ng puso niya. Labis labis ang pagtitiwala sa kanya ni Dalia at kahit batid nitong isa siyang lalaking umiibig dito, akala siguro nito ay hindi malakas ang tukso sa tuwing sila lamang dalawa sa iisang lugar.

Sa 'Kin Hanggang Wakas (Valleroso #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon