Kabanata 20

10.6K 778 384
                                    

KABANATA 20

SA pagharap niya sa salamin, napangiti si Dalia. Kahit pa hindi niya magawang pangalanan isa-isa ang nararamdaman, isa lang ang sigurado siya.

Sa bawat kabog ng kanyang dibdib, siya'y nananabik. Sa ilang daang paro-parong lumilipad-lipad sa kanyang tiyan, mas tumitindi pa ang paghahangad niyang matatapos ang araw na 'tong kaisa niyang dibdib si Cypress Olivier Valleroso.

"Hija, yumuko ka ng kaunti at ikakabit ko ang iyong belo," malambing na utos ng ina.

Huminga siya nang malalim at bahagyang tiniklop ang mga tuhod. Ngumiti ang kanyang ina sa repleksyon sa salamin nang maikabit nito ang belo sa kanyang buhok.

"Ikaw ang pinakamaganda sa lahat ngayong araw, anak ko."

Ngumisi si Dalia at nilingon ang ina. "As should be, Mama."

Sinapo nito ang kanyang mga pisngi at kinintilan siya ng halik sa noo. "Maging mabuti kang maybahay. Batid kong iba ka kaysa sa iyong kapatid at hindi ka pipirmi sa tahanan lamang. But I never expected you to be like your older sister's way of being a wife."

"Mama..."

Masuyo siya nitong nginitian. "Be yourself without neglecting your duties as Cypress' wife. Do continue your passion and advocacies without forgetting to take care of your future family. Lastly, we all know you would never leave our family's business until you grow old. Yet, in time that you'll bear children, always put them first."

Maamong tumango si Dalia.

"Bata ka pa lamang, alam na namin ng iyong Papa na ang iyong puso, kaluluwa, at kaisipan ay laging malaya. Kaparis ng sa hangin, hindi napipigilan. Matapang at sigurado ang bawat ihip."

Itinaklob nito ng ina ang belo sa kanyang mukha. Napalunok siya nang makita itong nagpipigil ng luha sa mga mata.

Ganoon din ang nangyari noong nagpakasal si Lass. Nagbilin din ang kanilang Mama kay Lass at parehas silang tatlo na nagpipigil ng mga luha. Malungkot lang at hindi makadadalo ngayon ang nag-iisang kapatid. Subalit panatag naman si Dalia na nasa ligtas na lugar ito. Nakapag-usap naman sila ni Lass sa telepono kahapon at nag-abot din ito ng maagang pagbati kasama ang ilang bilin na rin.

"At sa wakas, maipapahayag ko na rin ang rason kung bakit wala kaming pagtutol ng iyong ama sa tradisyon ng mga Salamanca at Valleroso..."

"Mabuti naman, Mama! Noon ko pang ibig malaman iyon! Bakit lubos-lubos ang pananalig niyo sa isang tradisyong kasingluma na ng panahon?"

Hindi naman sa ayaw niya rin iyon. Ang tradisyon ang naging gabay upang makilala niya si Vier. Nais lang niya nang mas konkretong paliwanag.

Yumuko ang kanyang ina at marahang pinagpag ang laylayan ng kanyang mahaba at maputing traje de boda.

"Isang babaeng Salamanca at isang lalaking Valleroso. Laging may isang nagbibigay kapayapaan sa puso ng isa, nagpapa-amo sa mabangis na kaluluwa, at nagbibigay hinahon sa magulong kaisipan. Dalagang Salamanca o binatang Valleroso man, may isang paris na laging pinagtatagpo upang makabuo ng kanlungan."

Napanganga si Dalia. Gumapang ang kilabot sa kanyang buong katawan!

Paanong... Ganoong-ganoon ang nararamdaman niya mula kay Vier!

"Oo at minsan ay hindi nagtatagumpay ang tradisyon, ngunit mas lamang pa rin ang mga pagkakataong napag-iisa nito ang isang pusong mailap at isang pusong malumanay."

"G-Ganoon po pala iyon, Mama..." Hindi makapaniwala si Dalia! Ganoon kalalim ang pinag-uugatan ng tradisyon!

Hinawakan nito ang kanyang mga kamay.

Sa 'Kin Hanggang Wakas (Valleroso #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon