Kabanata 26

7.5K 454 55
                                    

KABANATA 26

"SA PAKIWARI ko'y hindi sinasabi sa 'kin ni Vier ang lahat. May inililihim siya upang ma-protektahan ang Ramil na iyon!"

Narinig ni Dalia ang buntonghininga ng kapatid mula sa kabilang linya. "Damara, huminahon ka. Akala ko ba'y maayos naman ang pagsasama niyong mag-asawa?"

"Wala naman akong sinabing hindi."

Matulin na dumaan ang anim na buwan mula nang magpakasal sina Dalia at Vier. Tunay na maayos at lagi silang magkasundo nito. Hindi naman iyon kataka-taka lalo na't maganda ang pundasyon nilang mag-asawa. May mga pagtatalo, subalit madalas ay siya lang naman ang mainitin ang ulo.

Vier would just quietly apologize to her even if it's not his fault. Magmula noon hanggang ngayon, hindi sinasalubong ni Vier ang kanyang galit. Bagkus ay batid na nito kung anong haplos at himas ang gagawin upang huminahon siya.

At pagkatapos?

"Maligaya ako sa mga pagtatalik," dagdag niya pa kaya't napasinghap naman si Lass.

"Damara Lilia!"

Umikot ang kanyang mga mata. "Bakit tila na-eskandalo ka gayong parehas na tayong kasal at hindi na mga dalaga? Tingnan mo nga at may kambal ka pa!"

Lass gave birth earlier than expected. Buti na lamang at kasama nito si Arc. Ito ang nagpaanak mismo kay Lass. Pumunta pa siya sa Bohol apat na buwan na ang nakakaraan. Binisita niya ang kapatid at kinumusta ang panganganak nito. Dalia's nephews were wonderful! Maayos namang inaaruga ang mga ito roon. Tatlo ang mga katulong na kinuha ni Arc para sa mag-iina.

One of those maids in Bohol was Lisel. Pamilyar sa kanya ang dalaga dahil tanda niya pang dating katulong ito ng mga Lanza noon. Ngunit tila hindi na siya tanda ng dalaga. Sabagay, tatlo o apat na taon yata ang nakalilipas.

"Kung wala naman pala kayong problema ni Vier bilang mag-asawa, bakit tila pinaghihinalaan mo siya?"

Inilipat niya sa kabilang tainga ang telepono. "Sinabi ko na sa 'yo ang tungkol kay Ramil, hindi ba?"

"Oo. At wala na siya riyan sa Monte Amor, hindi ba? Mismong pagkatapos ng araw ng kasal niyo ay umalis na siya papuntang Estados Unidos?"

Naningkit ang mga mata ni Dalia. "Tumakas ang manloloko, oo!"

Matagal na raw may trabahong naghihintay kay Ramil sa ibang bansa. Wala itong sinabihan kahit sino—kahit si Vier, ayon sa mga magulang ni Ramil. Hindi rin ito naging regular sa ospital ng Monte Amor pagkatapos ng ilang linggong panggagamot doon. Batid daw ng direktor ng ospital ang plano ni Ramil na umalis din kalaunan. Kaya't hinayaan lang itong manggamot doon sandali.

"Ang unang pahayag sa 'kin ni Vier, ayon daw sa mga magulang ni Ramil ay uuwi siya pagkatapos ng tatlong buwan. Doon na lang daw kakausapin ni Vier si Ramil. Subalit hindi iyon nangyari, Lass. At ngayon sa pang-anim na buwan, hindi na raw tumutugon si Ramil sa mga sulat ng mga kaibigan nila ni Vier. Pero buhay pa naman ang walanghiya ayon sa mga kamag-anak!

"I told Vier, if he would be the one to send a letter to Ramil, then Ramil would quickly reply! Ngunit tumanggi si Vier, Lass. Hindi niya raw padadalhan si Ramil ng kahit anong sulat at hihintayin na lang ang pag-uwi nito."

"Mukhang resonable naman ang sagot ng iyong esposo—"

"Hindi!" Napapikit siya at binabaan ang boses. "Kung nakita mo ang ekspresyon ni Vier, mukhang batid niyang kahit kailan ay hindi na namin makakausap pa si Ramil. Mukhang may alam si Vier, Lass. Mukhang alam niyang hindi na babalik si Ramil dito sa Pilipinas! Bakit hindi na lang sabihin sa 'kin ng diretso ni Vier na tinakasan na kami ni Ramil? At kahit kailan ay hindi ko na magugulpi ang manlolokong iyon?!"

Sa 'Kin Hanggang Wakas (Valleroso #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon