Kabanata 2

8.6K 560 361
                                    

KABANATA 2

"ILANG taon pa ang kailangan mong bunuin bago makapagtapos sa pag-aaral ng medisina?" tanong ni Dalia kay Vier habang kumakain silang dalawa ng mangga sa ilalim ng puno niyon.

"Tatlong taon hanggang anim na taon pa. Maaaring mapaikli o mapahaba, depende sa pagdadalubhasang kukunin ko."

Panghuling araw na ni Vier sa Monte Amor bago bumalik sa siyudad kasama ang mga magulang. Kaya't napagpasyahan ni Dalia na ilibot ito sa mapunong parte ng kanilang hacienda na hitik sa bunga ng mga mangga.

Gamit ang limang daliri ay tinalupan ni Dalia ang dilaw na mangga at kinagat ang laman. Bahagyang tumulo ang katas sa mga labi, ngunit napunasan niya naman gamit ang likod ng mga palad.

"Ganoon ba? Saan ka ba magpapakadalubhasa?"

"Internal Medicine."

"Maganda iyon! Maaari kang tumingin ng mga pasyenteng may sakit sa puso, baga, bato, dugo, o... basta sa mga lamang loob! Tama ba ako?"

Tumango-tango ito at gamit ang hinlalaki at hintuturo ay maingat nitong binalatan ang mangga. Tila nagbabalat ng saging! Napahinto tuloy si Dalia at pinanood ang pamamaraan nitong iba sa nakagisnan niyang ginagawa ng mga lalaki sa kanila tuwing kumakain ng mangga!

Pagkabalat ay maingat na nilapit ni Vier ang mangga sa mga labi at maliit na kumagat. Kumuha ito ng panyo sa bulsa at pinunasan ang katas na bahagyang tumulo sa labi at kamay nito.

Napangisi si Dalia. Sa loob ng isang linggong pagmamatiyag ay nanatiling bukas ang kanyang mga haka-haka, bagaman naguluhan siya ng mga nakaraang araw.

However, one thing is ever consistent with her fiancé—he's gentle in everything. Mas pino at maingat pa itong kumilos kaysa sa kanya.

Hmm...

Wala naman siyang problema kung totoo man ang sapantaha. Subalit kung mas makakakalap siya ng mas marami pang ebidensya ay maaari niya iyong gamitin upang makatanggi sa tradisyon, pagkatapos ng tatlong taon.

"Napansin kong hindi mo hinahayaang madumihan ka," aniya at saka kumagat ng malaki sa mangga.

Nilingon siya nito at napasulyap sa manggang nasa labi niya. "Nakasanayan ko dahil sa kursong kinuha ko sa kolehiyo..."

"Ah, right. You took Nursing as your pre-med course."

Tumango ulit ito at mula sa kanyang mangga ay tumingin nang diretso sa kanyang mga mata.

"Laging may paalala na maging malinis kami sa lahat ng paraan, lalo na sa mga kagamitang panggamot noon upang hindi makapagbigay ng kahit anong inspeksyon sa pasyente."

Napatango-tango siya. Sabagay. Hmm...

"Nabanggit mo kahapon noong nasa bayan tayo at kumakain ng tinapay, na may mga kaibigan ka sa siyudad. Marami, ayon sa 'yo? Pulos lalaki ba at katulad mo bang magdo-doktor?"

"Si Ramil lang ang matalik kong kaibigang lalaki. Kaibigan ko na siya mula pagkabata at kasama pa rin hanggang ngayon sa pagdadalubhasa. Ang iba'y pulos babae na."

Napataas siya ng kilay. "Malapit ka sa mga babae, kung gayon?"

"Pulos babae ang mga naging kamag-aral ko sa kolehiyo. Dahil siguro sa aking kurso." Marahan itong ngumiti. "Hanggang kaibigan lamang sila, walang humigit..."

Napakurap siya na tila ba nagpapaliwanag ito. Wala naman itong kailangang linawin sa kanya. Wala ring kaso kay Dalia kung pulos babae ang kaibigan nito.

Sa 'Kin Hanggang Wakas (Valleroso #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon