Kabanata 17

8.8K 605 424
                                    

KABANATA 17

"ANI mo'y batid mo na ang lihim na katuhan ni Vier, Dalia. Sa gayo'y bakit mo paniniwalaan ang pagpapahayag niya ng pag-ibig sa 'yo? Kahit ang mga magulang nati'y sinasambitan natin ng mga katagang iyan. Tiyak na sinabi sa 'yo ni Vier na mahal ka niya bilang isang kaibigan. O sinasabi niya iyon para paniwalain ka at ang kanyang sarili, upang hindi mahirapan sa gagawin niyang pagsasakripisyo para sa tradisyon ng inyong pamilya.

"Batid mo ang tunay niyang katauhan. At ako na mismo ang nagsasabi sa 'yo bilang pinakamatalik niyang kaibigan... Vier's just doing the marriage for the sake of his late grandfather, for his parents, for his profession, and to hide his true sexuality.

"Oo at pinabatid niya sa 'king aalagaan at magiging tapat siyang asawa sa iyo. Subalit hindi ka niya magagawang mahalin sa romantikong paraan. Kaya't natutuwa si Vier na magkasundo kayo bilang magkaibigan at wala kang problema sa pagkataong inililihim niya. He's so fond of you, Dalia. At hanggang doon lang iyon."

Lihim na tinitigan ng matalim ni Dalia si Ramil. He smirked at her. Tila ba nabatid nitong naririnig na naman niya at paulit-ulit sa kanyang isip ang mga sinabi nito noon.

Naninibugho ang kanyang damdamin na ibang tao pa ang unang nakahalata nang pagkahulog ng damdamin niya para kay Vier.

Si Ramil pa ang unang taong iyon! Subalit pagkatapos din nang pag-uusap nilang iyon, nasaktan ma'y naging determinado si Dalia para sa sumibol na damdamin. If Vier is only faking it for his self, then she'll ride with it until it becomes real for the both of them!

"Tuloy na tuloy na ang kasal," ani Ramil. Bahagya itong lumingon sa direksyon ni Vier.

Nasa kusina ang kanyang nobyo habang nakaupo sila ni Ramil sa hapag, magkatapat pa habang hinihintay ang ihahandang hapunan. Malayo ang distansiya ng hapag sa kusina kaya't hindi sila maririnig ni Vier kahit maglaitan pa sila ni Ramil nang walang humpay roon.

Vier insisted on hosting for dinner before Ramil goes back to the city after passing his transfer application. Vier invited her to join them. At siyempre, sasama siya! She won't let Ramil be alone with Vier.

"Umaasa ka bang hindi matutuloy?" Humalukipkip siya't tinaasan ito ng isang kilay.

Bumalik ang tingin nito sa kanya. Gumalaw ang panga nito. "I was hoping you'll be smarter enough to know that a woman like you does not deserve a husband who's going to pretend all your married life..."

"Nagbabago ang damdamin katulad ng ihip ng hangin," aniya. "A woman like me is smart enough to make the man I want to fall for me," dagdag niya pa, itinaas ang noo.

Ngumisi ito, nang-uuyam. "Nakakalimutan mo yata, Dalia, kung sinong pinag-uusapan natin dito. Vier is not a regular... man. Batid mo kung anong tipo niya. Mahihirapan ka sapagkat hindi babae ang hanap niya."

Kahit nais niya nang bigwasan ito ay pinigilan ni Dalia ang kamao, at ngumisi lang din pabalik. "Ramil, don't underestimate me. I'm that smart and strong enough to make any man--real or not, to fall for me. Basta't gusto ko, iniibig ko, ay pinagsusumikapan ko."

Tumawa lang ito habang iiling-iling. "It's you who's underestimating Vier's identity. Tingin mo'y isang damdamin lang ang pagkakaroon ng lalaki ng isang puso na kagaya sa babae?"

"Naniniwala lang akong may kapangyarihan ang tunay at pursigidong pag-ibig na katulad ng sa akin, Ramil." Itinaas pa ni Dalia ang noo.

Kung hindi lang magtatanong at malulungkot si Vier na makitang nag-aaway na naman sila ni Ramil, kanina pa niya sinugod ng sakal ang huli.

Sa 'Kin Hanggang Wakas (Valleroso #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon