Prologue

15.1K 262 46
                                    

Her Point of View.

"Salamat po sa paghatid Tito Carter."

Nakangiting pasasalamat ko kay Tito na naghatid sa'kin dito sa school.

"Wala 'yon! Ikaw naman Madi para ka namang ibang tao. Alam mo namang hindi lang pamangkin ang turing ko sa'yo, anak na rin ang turing ko sa'yo." Nakangiting wika ni Tito. Bahagya naman akong natawa at napangiti.

"Maraming salamat po Tito." Nakangiting wika ko. Nginitian niya naman ako pabalik.

"Sige na, pumasok ka na. Good luck." Tumango naman ako.

"Ingat ka po." Pahabol ko pa bago tuluyang lumabas ng kotse. Pagkababa na pagkababa ko nang sasakyan ay agad akong sinalubong ni Margaux ng yakap na para bang ilang taon kaming hindi nagkita eh, halos araw-araw kaming nagkikita no'ng bakasyon para gumala. One week before pasukan lang kami hindi nagkita-kita para makapaghanda sa unang araw ng pasok.

"I missed you so much, girl! Namiss ko kayo!" Aniya na para bang ilang taon kaming hindi nagkita. Nakipag beso naman ako kay Zenna nang matapos kami magyakapan ni Margaux.

"Halos araw-araw kaya tayong nagkikita no'ng bakasyon para gumala tapos isang linggo lang naman tayong hindi nagkita namiss mo na kaagad kami." Pabirong inirapan naman ako ni Margaux.

"Kahit na 'no!" Maarteng wika niya. Pabirong napairap at napailing-iling na lang ako.

"Paano na lang kaya 'pag umuwi na si Nameis baka hindi 'yon makahinga sa sobrang higpit ng yakap mo." Komento ni Zenna saka kami sabay-sabay na naglakad papasok sa University.

"Of course! I already miss her na nga, eh." Malungkot na wika ni Margaux.

Kinailangan kasi ng pinsan kong si Nameis at Tita Melanie na umuwi ng Canada kaya after graduation ay lumipad sila patungong Canada at doon pansamantalang manirahan para mabantayan ni Tita Melanie ang Papa niya na nasa hospital dahil may sakit ito. Hindi pa sigurado kung hanggang kailan sila tatagal doon kaya habang nandoon sila ay doon muna ipagpapatuloy ni Nameis ang pag-aaral niya. Nakakalungkot lang dahil hindi namin siya kasama at wala na 'kong kakulitan at ka-bonding sa bahay. Si Tito Carter na lagi rin namang nasa kompanya at ang mga kasambahay na lang ang kasama ko roon kaya madalas din akong wala sa bahay at nasa galaan kasama ang mga kaibigan ko. Gala rito gala roon. Inom dito inom doon.

"Anyway, speaking of Nameis. Kumusta kaya siya sa Canada? Ayos lang kaya siya roon? Sana hindi siya masyadong nalulungkot doon kasi alam naman nating tatlo na kahit nakangiti siya sa'tin sa video call at sinasabing okay lang siya pero ang totoo ay hindi talaga siya okay. Paniguradong nasasaktan pa rin siya sa paghihiwalay nila ni Falcon." Malungkot na wika ni Zenna.

Si Falcon ay ang ex-boyfriend ni Nameis. Pagkatapos na pagkatapos kasi ng graduation namin ay naghiwalay sila. Kung bakit ay hindi ko pwedeng sabihin. Hintayin niyo na lang ang kwento nila sa series na 'to.

"Parang gusto ko tuloy pumunta ng Canada and hug her tightly." Wika ni Margaux.

"Kilala ko si Nameis dahil pinsan ko siya at alam kong hindi lang siya basta nalulungkot ngayon baka nag-bre-breakdown pa 'yon. Kaya kung pwede nga lang din ay pumunta na ako ng Canada para i-cheer up siya pero ang tangi lang nating magagawa ay ang magtiwala sa kaniya. Malalagpasan niya rin lahat ng pinagdaraanan niya ngayon." Komento ko habang nililibot ang paningin sa University. Ang ganda naman dito. Buti rito namin naisipang mag-aral.

Nagtuloy-tuloy pa ang kwentuhan namin tungkol kay Nameis. Natigil lang kami nang makarating kami sa aming room. Oo, magkakaklase kami. Kami nga ata ang pinakamasayang tao sa mga oras na 'yon no'ng nalaman naming magkakaklase kami.

Pleasure me, Prof. (Professor Series #1)Where stories live. Discover now