09 - ⚠

12.1K 171 166
                                    

R-18, Read at your own risk.

***

Her Point Of View.

"Knox?"

Pasimple kong hinawi ang kamay nyang nakaakbay sa balikat ko pero ibinalik nya rin kaya hinayaan ko nalang. Nasanay na syang inaakbayan ako mula pa noon. "Gulat ka 'no?"

Sarkastiko akong ngumiti saka nagsimula nang maglakad papunta sa next subject ko. Sumabay na rin sya sakin, nakaakbay parin. "Hindi, alam ko namang kabute ka, bigla-bigla ka nalang sumusulpot."

Tumawa sya na parang ang saya-saya ng sinabi ko. "Ang pinaka gwapong kabute na manliligaw mo,"

Napangiwi ako sa sinabi nya. Ilang taon ko na nga bang manliligaw 'to? 3 years or 4? Ah, basta. High school palang manliligaw ko na sya.

He is Knoxion Camden, my suitor. I admit it, he's freaking handsome. Pero mas lamang parin ng limang ligo si Goldwin.

He's a half Filipino and half Japanese. Mabait sya at matalino. Unang kita ko palang sa kanya no'ng high school ay natakam na 'ko sa kanya, I liked him. Pero no'ng umamin syang gusto nya 'ko at manliligaw sya ay nawalan na 'ko ng gana. Ewan ko, pakiramdam ko wala ng thrill kapag nagkagusto na sayo 'yung crush mo.

Ang tipo ko kase ay 'yung macha-challenge ako, like, Goldwin... Challenging.

Nagpakawala muna 'ko ng marahas na hangin bago magsalita uli. "Knox, 'diba sinabi ko na sayo, wala kang pag-asa. Kaya tigilan mo na 'yang kabaliwan mo sakin."

I already told him that so many times. Kaibigan nalang talaga ang kaya kong maibigay sa kanya, masyado syang mabait para sa akin. Ayaw 'ko no'n. I don't deserve him.

He let out a small laugh. "At sasabihin ko na naman na ayos lang sa akin, Madi. Kahit ako lang ang magmahal sa'ting dalawa. Kahit hayaan mo lang akong malapit sayo, ayos na sakin."

'Yan ganyan, ang bait-bait nya 'diba. Kahit ilang beses ko nang ni-reject, nandyan parin.

Hindi ko nalang sya sinagot dahil narinig ko na rin naman 'yon dati kapag sinasabi kong tigilan nya na 'ko. Habang naglalakad kami ay panay pa sya kwento kung bakit ngayon lang sya nag-appear sa mundo.

"Kinailangan ko pa kaseng ayusin 'yung dokumento para sa pagpermanente ko rito sa Pilipinas kaya medyo na-late ako ng pasok, parehas naman tayo ng course dahil kinuha ko rin ang course na kinuha mo." Paliwanag nya. Like I care.

Tipid lang akong ngumiti, hanggang sa makaakyat na kami sa floor namin ay hindi nya pa rin inaalis ang pagkakaakbay sa akin. Wala naman sa akin 'yon, dahil parang katulad lang din kay Fury ang tingin ko sa kanya, kapatid.

Nang nasa harap na kami ng pintuan, papasok na sana ay sakto namang papalabas nila Sydney at ni Haley. Ang ngiti ni Haley ay naglaho agad nang makita nya kami ni Knox, bumaba ang tingin nya sa balikat ko kung saan naka akbay si Knox.

Inalalayan naman ako ni Knox para gumilid dahil mas naunang lumabas sila Sydney, nagsign si Knox na dumaan na sila. Tipid lang akong ningitian ni Sydney, si Haley naman ay halos patayin na 'ko sa tingin nya, nakakatawa sya.

Nang makadaan na sila ay akmang papasok na kami ni Knox nang biglang pigilan ako ni Haley sa braso, napataas ang isang kilay ko nang tignan ko ang kamay nyang nakahawak sakin.

"Can we talk?" She faked her smile, asking.

Sinenyasan ko si Knox na mauna na sa loob, nakita ko na rin sila Margaux at Zenna sa loob, busy sa mga phone nila. Tumango si Knox sakin bago pumasok.

Pleasure me, Prof. (Professor Series #1)Where stories live. Discover now