04

8.6K 156 29
                                    

Her Point Of View.

"Madison."

Sabay naming pinakawalan ang isa't isa nang makarinig kami ng boses.

Nang magtama ang mga mata namin ay kinabahan ako agad. "Fury," I bit my lower lip.

Napaigtad ako nang bigla nya 'kong hilain palayo kay Goldwin. "Umuwi na tayo," Matigas nyang sabi na parang may pagbabanta. Hindi na 'ko nakasagot dahil hinila na nya 'ko paalis.

Pumasok uli kami sa loob, mahigpit pa rin ang hawak nya sa kamay ko habang patungo kami sa kinaroroonan ni Zenna.

"Fc, bitawan mo muna nga-" I stopped when he glared at me. Halatang nagpipigil lang syang sigawan ako.

"Ugh! Stop laughing, you're so bigat kaya!" Napukaw ang atensyon ko ng boses ni Margaux, inaalalayan nya na ngayon si Zenna na tumayo.

"Idedemanda ko sya, Margaux. I swear! Maghaharap kami sa husgado!" Paghihimutok pa rin ni Zenna. "Mga lalaki! Mga manloloko! Pare-parehas lang sila, eh!"

"Tsk!" Si Fury at binitawan na ang kamay ko saka walang kibong binuhat si Zenna. "Tara na."

Nagpupumiglas pa si Zenna habang naglalakad na kami palapit sa kotse ni Fury dahil akala nya ibang lalaki ang bumubuhat sa kanya. "Bitawan mo 'ko! Saan mo 'ko dadalhin?! Kidnaper ka ba? Wala kang makukuhang ransom sa akin! Wala akong pera!" Tinuro nya si Margaux. "'Yan nalang kidnap-in mo, mayaman 'yan!"

"Duh! I'm not mayaman. My parents, not me." Margaux corrected her.

Dahan-dahang ipinasok ni Fury si Zenna sa backseat bago sumakay sa driver seat. Si Margaux ay tumabi kay Zenna, ako naman ay sa shotgun seat.

Hindi na 'ko magtataka kung paano nalaman ni Fury kung nasaan kami ni Zenna, for sure inalam nya kay Margaux.

Isinandal ko ang ulo ko sa bintana nang paandarin na ni Fury ang kotse. Pumikit ako nang maramdaman kong umikot ang paningin ko. Nahihilo na 'ko gusto ko nang mahiga.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala 'ko at kami na lang dalawa ni Fury ang nakasakay sa kotse. Nagtataka akong bumaling sa kanya. "Nasaan na sila?"

Hindi nya 'ko tinignan, seryoso lang na nagmamaneho. "Nahatid ko na sila, nakatulog ka." Sagot nya.

Bumaling ang tingin ko sa labas ng bintana. "Pakihatid nalang din ako,"

Nagulat ako nang bigla nyang inihinto ang kotse. "What was that, Madison?"

Napalunok ako dahil sa galit nyang boses. Hindi ako makalingon sa kanya dahil kinakabahan ako.

"Bakit kayo magkahalikan ni Professor Gray kanina? Ano 'yon, Madi? Fuck it! He's your Professor!" He scolded me like he's my father. As always. "Tell me the truth, Madison!"

I took a deep sigh before turning him, "Isa sya sa mga naka one night stand ko." Pag-amin ko.

Sunod-sunod na malulutong na mura ang narinig ko mula sa kanya. "Bullshit, He was one of-" Problemadong napahilot sya sa sintido nya na para bang may krimen akong ginawa. "Madison naman, bakit sya?"

Yumuko ako saka napapikit dahil parang umiikot ang paligid.

"Professor mo sya, Madi! Bakit ka nakipag-"

I cut him off. "Hindi ko pa siya Professor ay may nangyari na sa amin. Hindi ko alam, okay? So, please. Stop scolding me, nahihilo na 'ko." Nakapikit na isinandal ko uli ang ulo ko sa bintana.

Hindi na 'ko nakarinig ng salita mula sa kanya. Naramdaman ko nalang ang pag andar ng kotse at paghinto. Lumayo ako ng unti sa bintana nang marinig kong bubukas 'yon.

Pleasure me, Prof. (Professor Series #1)Where stories live. Discover now