01 - ⚠

14.8K 216 45
                                    

R-18, Read at your own risk.

***

Her Point of View.

"Congratulations to us, girls!"

Masayang bati ni Margaux. Kakatapos lang ng graduation namin kaya nandito kami sa labas ng school sa tapat ng gate.

"Congrats!" Sabay-sabay na sabi namin at nagyakapan. Pagkayap na pagkayakap namin ay narinig ko na ang mga hikbi nila. Kahit naman ako ay naiiyak na rin pero pinipigilan ko lang. Nakakawala ng astig 'yon.

Oo nga't hindi pa kami college graduate pero hindi rin biro makapagtapos ng senior high school kaya hindi mapigilang maging emosyonal nitong mga kaibigan ko.

Ilang minuto pa kaming nagyakapan bago humiwalay sa isa't isa. "Mga iyakin." Biro ko at pabiro pang umirap habang kanya-kanya silang punas sa pisngi nila.

"Hindi kasi sila katulad mo na pusong bato." Biglang sulpot ng lokong kaibigan namin na si Fury. Pabiro ko naman siyang sinuntok sa braso.

"Gago ba't ngayon ka lang kung kailan tapos na 'yong graduation." Saglit siyang natawa bago bumuntong hininga.

"Eh, alam niyo na. Ngayon lang natapos 'yong klase." Paliwanag niya. Teacher kasi siya. He's a college professor. Oo. Mas matanda siya sa'min. Pero hindi na namin siya tinatawag na kuya dahil ayaw niya. "Sorry girls, ha. 'Wag kayong mag-alala. Babawi ako sa graduation niyo sa college." Dugtong pa niya at inakbayan si Zenna na nasa kabilang gilid niya. Napangiwi naman si Zenna at sinamaan siya nang tingin na tinawanan lang ni Fury.

Man hater kasi 'yan si Zenna. Ayaw niya sa mga lalaki dahil pare-pareho lang naman daw ang mga ito. Playboy, manloloko at hindi marunong makuntento. Actually, si Fury nga lang ang ka-isa-isang lalaking kaibigan niya at nakakalapit sa kaniya.

"It's okay. Don't worry about it." Nakangiting wika ni Margaux na nasa tabi naman ni Nameis na kanina pa walang imik at mukhang malalim ang iniisip.

"Actually, mas pabor nga sa'ming wala ka, eh." Inalis ni Fury ang pagkakaakbay niya kay Zenna at eksaheradong humawak sa dibdib. Umaktong nasasaktan sa sinabi ni Zenna.

"Tinotoyo ka na naman, ah." Inirapan lang ni Zenna si Fury habang kami ni Margaux ay tinatawanan lang sila. "Pero seryoso. Congrats! Sobrang proud ako sa inyo." Seryosong wika niya.

"Salamat po, 'tay." Biro ni Nameis na ikinatawa nila. Hindi ko magawang tumawa dahil alam kong pinipilit lang ng pinsan kong maging masaya. Alam kong tungkol doon sa pag-uwi nila sa Canada ang dahilan kung bakit wala siyang imik kanina at mukhang malalim ang iniisip.

Hindi pa namin nasasabi sa mga kaibigan namin ang tungkol doon. Bukas na ang lipad nila patungong Canada at balak niyang bukas na lang din sabihin para isang iyakan na lang.

Naputol ang pag-uusap at tawanan namin nang dumaan ang ilan sa mga kaklase naming babae at lalaki.

"Hey girls! Sama kayo mamaya?" Lumapit sa'min sila Sydney. Mga close classmates namin sila.

"Hey guys! Where ba?" Bati naman pabalik ni Margaux sa kanila.

"Bar. Let's celebrate! Sama na kayo!" Hindi. Hindi ko tatanggihan 'yan. S'yempre G ako riyan! Kailan ba 'ko tumanggi sa mga ganiyan. "Punta kayo, ah! I'll message the location. Bye! See you later." Hindi na hinintay ni Sydney ang sagot namin kung payag ba kami o hindi ay umalis na sila.

"Are we going?" Tanong ni Margaux.

"G ako, kayo ba?" Sagot ko naman.

"Sure." Ani Nameis at ngumiti nang pilit.

Pleasure me, Prof. (Professor Series #1)Where stories live. Discover now