02

11.5K 211 65
                                    


Her Point of View.

"It's nice seeing you again, Miss Figuerrera."

Bulong niya, sapat lang para marinig ko bago tuluyang umalis habang ako ay nanatiling nakatanga.

Sobrang bilis nang tibok ng puso ko!

Buti na lang ay abala ang mga kaklase ko kaya hindi nila napansin ang simpleng pagka-usap sa'kin ni Sir. Maski sila Margaux at Zenna ay hindi napansin dahil busy sila sa pag-uusap ng kung ano.

So, naaalala niya 'ko, huh?

Kumalma lang ako nang dumating na ang next subject teacher namin. Pero hindi pa rin maalis sa isip ko si Sir Goldwin.

Bakit kasi siya pa?!

Sa dinami-rami ng pwede naming maging teacher sa Mapeh bakit siya pa?!

Nakakailang! Ang wild ko pa naman no'ng gabing 'yon!

Natapos ang second subject namin na lutang ako. Breaktime namin ngayon kaya nandito kami sa cafeteria. Kumakain.

Tahimik lang akong kumakain habang sila Margaux at Zenna ay panay ang daldalan.

"Hey, Madi?" Napatingin ako kay Margaux nang tawagin niya ako. "Are you okay lang ba? You're spacing out. Kanina ka pa ganiyan. What's wrong?" Alalang tanong ni Margaux. Habang iniikot ang spaghetti sa tinidor nya.

Hindi kasi sila sanay na tahimik ako. Ako kasi ang pinakamaingay sa'min.

"Ayos lang ako, I'm just missing my cousin." Palusot ko at nginitian pa sila para ipakitang ayos lang talaga ako. Saka totoo rin naman 'yong sinabi ko. Namimiss ko naman na talaga si Nameis.

"Weh? O baka naman nauurat ka na dahil isang linggo ka ng walang dilig." Biro naman ni Zenna sakin.

"Gaga!" Natatawang wika ko. "Pero parang gano'n na nga rin." Dagdag ko at kinagat pa ang pang-ibabang labi ko, bigla kong naalala ang nangyari sa amin ni Goldwin.

Until now, malinaw na malinaw pa rin sa akin kung gaano kalaki at kahaba ang sandata nya. Pati kung gaano sya kasarap-

"Hoy!"

Napahawak ako sa noo ko nang biglang pitikin 'yon ni Zenna. "Sakit, ha!" Hinampas ko sya sa braso nya.

Inirapan nya naman ako, "Anong nasa isip mo, ha? Nakikipag halikan ka sa lalaki?" Pag-aakusa nya.

Umayos ako ng upo at umiwas ng tingin. Zenna knows me very well. Sa aming magkakaibigan sya ang madaling makapansin.

I was about to speak when Margaux suddenly exclaimed, "Gosh, si Fc, oh!"

Sabay kaming napatingin ni Zenna sa tinuturo niya. Naningkit ang mga mata ko nang makita ang lalaking naglalakad papasok ng Cafeteria. Walang makikitang emosyon sa mukha nya. He was wearing his Professor Uniform with a red necktie. Naka ayos pa ang buhok nito at halata ang pagkakinis ng kanyang mukha.

Ang isa nyang kamay ay nakapasok sa kabila nyang bulsa. Lahat ng makakasalubong nyang students ay niyuyukuan at binabati sya bilang paggalang.

"Good morning po, Sir. Suarez!"

Karamihan sa mga 'yon ay kababaihan. Tinatanguan nya lang naman ang mga ito habang papalapit sa Counter. He was about to pick when his gaze turned to our table.

"Fc, here!" Walang hiyang sigaw ni Margaux at kumaway pa ang gaga. "Opss, I mean Sir. Suarez." Pagtatama nya nang marealized na napatingin ang ibang students sa amin.

Ang walang emosyong mukha ni Fury ay napalitan ng ngiti nang makalapit sya sa amin. "Hey, students. Can I join?"

"Sure, Sir." Sagot ko sa kanya at kinindatan pa sya. Sanay na sya sakin kaya tinawanan nya lang ako saglit at naupo na sa tabi ko. Dun lang kase ang may space. Ang nasa harap namin ay sina Zenna at Margaux.

Pleasure me, Prof. (Professor Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon