21 - ⚠

10.9K 172 75
                                    

R-18, Read at your own risk.

***

Her Point Of View.

"Hala! May batang babae na nalulunod!"

Napahawak ako sa didbib ko nang mag-umpisang manubig ang mga mata ko, para na 'kong kakapusin ng hininga habang pinapanood ang mga taong nagpapa-panic at nagsisigawan.

I inhaled and exhaled, trying not to think that is Marigold, no way!

"Marigold.." Tumakbo ako palapit sa mga nagkukumpulang mga tao at pilit na itinulak ang mga taong nakaharang. "Excuse me, excuse me!" I almost shouted at them.

"Ay, hindi naman pala bata!"

"Anong nangyari?"

"Okay lang ba sya?"

Napatulala nalang ako sa isang dalagang inaaahon na ngayon ng isang lalaki, may malay sya at muntik lang naman atang malunod.

Hindi 'yon si Marigold!

Kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag pero kinakabahan parin, umalis na 'ko sa area na 'yon at nagsimula uli hanapin ang anak ko.

Some people looking and staring at me, like they were recognizing my face, I don't mind them though. I'm thinking nothing but to find my daughter.

Sinubukan kong tawagan uli si Goldwin pero hindi sya sumasagot! May namumuo nang galit sakin, ano bang pinanggagawa nya at hindi nya namalayang nawawala na ang anak namin!

Pagkatingin ko ng oras sa phone ko ay magaalas sais na ng hapon, malapit nang lumubog ang araw kaya kailangan na namin talaga syang makita. Dahil hapon na at wala nang init ay mas marami ang taong naglilibot sa buong beach resort. I wore my shades to avoid anyone's attention.

Nakapunta na 'ko sa ibang parte ng resort, sa restaurants, sa mga souvenir shops, nilibot ko na rin ang mga cottages, pati sa seascape side pero wala rin si Marigold.

Nagtanong tanong na rin ako sa mga nakakasalubong kong guest din dito kung may nakita silang batang babae, diniscribe ko pa si Mary, pero wala raw silang nakita.

Ayaw ko uli mag-isip ng masama, walang mangyayaring masama sa anak ko, I knew it!

If ever, I will bury Goldwin's skin alive, I swear!

Napatigil ako saglit nang tumawag si Ionah, sinagot ko 'yon habang inililibot ang mata sa paligid. "Hello? Ano? Nakita nyo na ba sya?" bungad ko agad.

[Hindi parin e, pero hinahanap na ng mga guards. Meron din daw isa pang place rito na pwedeng puntahan ni Mary,] Aniya sa kabilang linya, gamit ang kalmadong boses.

"Saan?"

[Golden Paradise Clime, sa likod daw ng mga cottages. Do'n daw ginaganap ang mga party over night, baka pumunta ro'n si Mary?] Aniya.

"Sige, pupunta na 'ko," I said and ended the line.

Bumalik ako sa pinanggalingan kong mga cottages, may mga taong paalis at patungo sa likod no'n. Sumunod ako sa iba dahil parang do'n din sila pupunta sa sinabi ni Ionah na Golden Paradise. Hindi ko maiwasang mamangha sa view ng paligid, ang pagkakaalam ko ay isa itong exclusive beach resort na pagmamay-ari ng kaibigan ni Mommy Georgina.

Bawat cottages ay pinaliligiran ng mga malalaking puting bato, puti rin ang buhangin, bukod ang swimming pool at dagat.

"There's a big event, according to them."

"As usual, they only using that clime for special occasions, for exclusive people to be exact."

The two morena ladies chatted infront of me, I didn't mean to eavesdrop their conversation, their voices was just too loud to hear.

Pleasure me, Prof. (Professor Series #1)Where stories live. Discover now