12 - ⚠

10.2K 168 158
                                    

Tw: Trauma / Emotional abuse.

***

Her Point Of View.

"Sana hindi nalang kita nakilala..."

Bakit ba 'ko nag-expect na mamahalin nya 'ko pabalik? Kahit paulit-ulit nya nang pinaramdam sakin na wala lang ako para sa kanya, umasa pa rin ako.

Umisang hakbang sya para hawakan ako pero agad akong umatras palayo sa kanya.

"Madi, please, not now." His eyes were begging.

"Nakakapagod kang mahalin, Goldwin." Nanginginig ang boses ko. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko pero parang nadadagdagan lang 'yung sakit, ang bigat bigat na sa dibdib.

"Let's just talk when you're okay," He tried to hold my hand but he stopped when someone pulled me away from him.

"Madi," Dinala nya 'ko sa likod nya bago humarap kay Goldwin. Hindi ko napansin na nakalapit na sya sa amin, nasundan nya 'ko. "What the hell is this, Prof. Gray?" bakas sa boses nya ang pagtataka.

"Ibalik mo nalang sya sa Hospital, I have something important to do." Nang-uutos nyang sagot kay Fury.

Rinig ko ang marahas na pagsinghap ni Fury. "Hindi kita maintindihan, Goldwin. Ang sabi mo kanina-"

"Just take her back to the hospital, Professor Suarez." Putol nya sa pagsasalita ni Fury.

I looked down, I felt like he doesn't want to see me anymore. Why? Dahil ba naiistorbo ko sila ni Sydney?

Humakbang si Fury palapit kay Goldwin at saka may sinabi, pero hindi ko 'yun narinig dahil parang bulong lang na para bang kay Goldwin nya lang gustong iparinig 'yon.

Wala akong narinig na tugon mula kay Goldwin, diretso lang syang nakatayo hanggang sa humarap sakin si Fury at akayin ako sa kotse nya.

Hindi ko na nagawang magreklamo hanggang sa makaalis kami sa lugar na 'yon.

I feel betrayed.

Kasama ng pinakamamahal kong lalaki ang babaeng muntik nang pumatay sa akin.

Mariin akong pumikit kasabay nang pagtulo ng luha ko. Huminga ako nang malalim para ikalma ang sarili, naramdaman ko ang paghinto ng sasakyan. Pagdilat ko ay nakahinto ang kotse sa gilid ng kalsada.

Narinig ko ang malakas na buntong hininga niya. Inaasahan ko na ang sermon nya dahil bigla akong umalis kanina sa hospital nang malaman kong si Sydney ang lumason sa akin.

"Tita Melanie asked me how's your condition." Panimula nya.

My brows furrowed. "Tumawag si Tita?" I was pertaining to Tita Melanie, Nameis's mother. I wiped my tears using the back of my hand before turning to him. "Anong sabi nya?"

He sighed. "Nalaman nyang inatake at nilason ka. She was really worried about you."

"Dapat sinabi mo, okay na 'ko." Wika ko.

Ayokong pag-alalahanin si Tita Melanie, kung maaari ayaw kong malaman nila Nameis ang nangyayari sakin ngayon. Kaya ko pa naman, e. Kaya ko pa.

Bumaling sya sa akin at tinignan ako na para bang may mali akong sinabi. "Okay ka ba talaga, Madi?"

Umiwas ako ng tingin, hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya. "Ayos lang ako." I told him in a low voice.

"Liar." He whispered.

Ilang minutong katahimikan ang bumalot sa amin bago ako magkalakas loob uli na magsalita. "Dalhin mo 'ko kanila mama," May tono ng pakikiusap sa boses ko.

Pleasure me, Prof. (Professor Series #1)Where stories live. Discover now