Epilogue

7.8K 175 239
                                    


Her Point Of View.

"Mary, come to mommy, sige na anak."

My heart tightened as I stare at my daughter, she's now crying.. And it's really too much pain for me, seeing my angel like that for almost an hour.

That I can't do anything just to cease her pain.

She turned to me with a teary eyed, "Mommy.." and began walked towards me.

Nang makalapit sya sa'kin ay marahan kong pinunasan ang mga luha sa namumula nyang mga mata.

"Mommy... You told me na lalaban po sya.. But why? Bakit pa rin po sya nawala?" Garalgal nyang tanong.

Hinimas ko ang buhok nya ska marahan syang nilapit sa akin para yakapin. "I'm sorry, anak," lumunok ako upang pigilang humikbi.

I could hear her sobs on my shoulder, sobra talaga syang nasaktan sa pagkawala nya.

Ako rin naman, nasasaktan din ako.

Tinawag ko si Ionah para pagpahingain na si Mary dahil kanina pa sya umiiyak at hindi ko na rin kayang panoorin ang anak kong gano'n.

Parang anumang oras ay bibigay na 'ko.

Tumayo ako sa balkonahe at ipinatong ang mga kamay sa railings. Huminga ako ng malalim upang pakalmahin ang sarili ska tumingala para pigilang bumagsak ang mga luha mula sa nanunubig ko nang mga mata.

"B-bakit nga ba? Bakit nawala ka parin sa'min?" I bit my lower when my tears began flooding down to my cheeks.

Bakit..

Bakit kailangan mong mawala?

Bakit ang bilis?

Bakit hanggang do'n lang.. Tayo?

Doon na nga lang ba talaga?

Gabi-gabi hinihiling ko na sana panaginip lang 'to, na sana hindi 'to totoo, na sana paggising ko katabi na uli kita, na sana kasama ka pa namin.

Na sana pwede pa kitang mayakap, mahalikan at masabi sayo kung gaano kita kamahal.

Naiinis ako at nagagalit. Sobra. Pero wala na 'kong magawa kundi umiyak nalang. Ano pa bang magagawa 'ko? Wala na sya, iniwan nya na kami.

Goldwin died a month ago.

He was diagnosed with brain cancer. The doctors said he got it from his father.

We did everything to heal him, I did not leave him, I did everything for him. Lumaban sya para sa'min ni Mary, but still nothing, just a few months after he was diagnosed, God took him from us.

Ang saya-saya pa namin noon e, 'yong tipong wala na 'kong hihilingan pa. Masaya na e, okay na. Pero bakit gano'n? Anong nagawa ko? Bakit kailangan syang bawiin sa akin ng gano'n kabilis?

Hindi ba 'ko pwedeng maging masaya? Lahat ba panandalian lang? Hindi ko ba sya deserve? 'Yon ba 'yung kapalit sa mga nagawa ko noon? Bakit sya pa?

Bakit kailangan nyang dumating sa buhay ko tapos iiwan lang din naman ako?

Ang dami kong tanong pero alam kong hindi na 'yon masasagot. Wala na sya e, binawi na sya sa 'kin.

I loved him and he loved me, but that wasn't enough to destine us for each other.

Hindi ko alam kung paano magsisimula uli. Sobrang hirap ng wala sya sa amin. Ang hirap gumising sa bawat umaga na wala sya sa tabi ko. Nasanay na 'ko e, nasanay na 'kong nandyan sya.

Inihilig ko ang sarili sa pader at pumikit habang ang mga luha ay walang tigil parin sa pag-agos.

Sabi nya, magpakatatag ako, pero paano? Paano 'ko gagawin 'yon, kung sya 'yong sandalan ko? Sya 'yong lakas ko! Paano? Paano ako makakabangon kung wala na 'yong nagbibigay ng lakas sa akin?

Pleasure me, Prof. (Professor Series #1)Where stories live. Discover now