05 - ⚠

12K 164 41
                                    


R-18, Read at your own risk.

***

Her Point of View.

"Braelynn Madison Figuerrera!"

Natigilan ako sa pag-iisip nang malalim nang tawagin ako ni Zenna sa buong pangalan ko.

Napatingin naman ako sa kaniya na nakatayo sa gilid ko. Nandito kami sa classroom, naghihintay ng first subject.

"H-huh? Bakit?" Napairap naman siya at napailing-iling pa.

"Kanina ka pa kaya namin tinatawag! Ano ba? Why were you spacing out? May problema ba?" Alalang tanong ni Zenna.

"Huh? Gaga, wala!" Natatawang wika ko.

"Are you sure?" Napatingin naman ako kay Margaux na nakatayo sa harapan ko.

"Oo nga! Iniisip ko lang kung kailan ba 'ko ulit madidiligan." Pagbibiro ko. Natawa naman sila saglit bago sumeryoso ulit.

"By the way," Seryosong wika ni Margaux. "Did Fury and you have a fight or something?" Napatingin naman ako kay Zenna na naghihintay din nang isasagot ko. Napansin na pala nila. Well, gano'n naman talaga kaming magkakaibigan. Pag may magkaaway or magkatampuhan sa'min agad naman naming napapansin o nalalaman.

Napabuntong hininga naman ako bago sumagot.

"Alam niya na." Sagot ko.

"The what?" Kunot noong tanong ni Margaux.

"Iyong about sa'min ni Sir Goldwin." Mahinang sabi ko sapat lang para marinig nilang dalawa. Napatango-tango naman sila, naiintindihan na kung bakit gano'n kami umasta ni Fury sa isa't isa. Simula kasi no'ng malaman ni Fury ang about sa nangyari sa'min ni Sir Goldwin hindi na niya ako masyadong pinapansin.

"Anong sabi niya?" Tanong naman ni Zenna.

"Iyon nga, nagalit." Problemadong sagot ko.

"Kilala mo naman 'yon si Fury, concern lang 'yon sa'yo." Wika ni Zenna.

"Yah, he's over acting and protective when it comes to us." Sang-ayon naman ni Margaux.

"Alam ko naman 'yon, pinapalamig ko lang 'yong ulo niya," Wika ko. "Saka 'wag kayong mag-alala, makikipagbati na 'ko sa kaniya mamaya." Hindi na sila nakasagot nang magsi-ayusan ang mga kaklase namin kaya bumalik na rin sila sa pwesto nila.

Napatingin ako sa pintuan nang pumasok si Sydney na kadarating lang. Ilang minuto pa ay sunod namang pumasok si Sir Goldwin.

Naalala ko tuloy 'yong nangyari kahapon no'ng nakita ko sila sa tapat ng mamahaling restuarant at sumakay pa si Sydney sa kotse ni Sir Goldwin. Pag nandito sa room parang normal na mag guro at estudyante lang naman sila.

Magkaano-ano kaya sila? Halos sabay pa silang pumasok sa room kanina. O baka sabay talaga silang pumasok ng school-

Wait...

Sila kaya 'yong pinag-uusapan nung dalawang babae do'n sa comfort room?

Napatingin naman ako sa gawi ni Sydney.

Ano mo ba si Sir Goldwin?

"Aren't he gonna eat ba?" Tanong ni Margaux na ang tinutukoy ay si Fury. Natapos na lang kasi kaming kumain hindi pa namin siya nakikitang pumasok ng cafeteria.

Breaktime na ngayon at tumambay muna kami rito sa cafeteria kahit patapos na ang oras ng breaktime dahil wala naman ng next subject. Dalawang subject lang kami ngayon dahil sa gaganapin na sport program after nitong lunch.

Pleasure me, Prof. (Professor Series #1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt