06

9.7K 153 66
                                    


Her Point of View.

"Professor Gray!"

We heard Professor Luca outside.

Agad namang bumilis ang tibok ng puso ko, kinakabahan.

Agad ko namang inayos ang sarili ko.

Matapos magbihis ni Sir Goldwin, he pushed his hair back using his hand bago maglakad papunta sa may pintuan.

Nanlaki naman ang dalawang mata ko at nagmamadaling pumunta sa gawi niya. Akmang pipihitin niya na ang door knob ng pinto nang hawakan ko siya sa palapulsuhan upang pigilan.

Tinaasan niya naman ako ng isang kilay. "What?" Mahina ko naman siyang hinampas sa braso.

"Anong what?! Hindi mo ba narinig?! Nandiyan si Professor Luca sa labas! Ano na lang ang iisipin niya, ha?!" Mahinang sabi ko sa kaniya.

He just chuckled! "Really, Madison?" Natatawang wika niya at napailing-iling pa. "Have the guts of seducing me but scared of the consequences," Pang-aasar niya. "Saka ano naman kung may isipin si Professor Luca? Kung ano man ang iniisip niya, hindi naman siya nagkakamali." He smirked.

Hindi makapaniwalang napatingin na lang ako sa kaniya. Wala na 'kong nagawa nang tuluyan niya nang buksan ang pinto at bumungad sa'min si Professor Luca na nakapamulsa pa.

"Professor Gray, hinahanap ka na sa program." Professor Luca glanced at me, smirking.

Nahihiyang nag-iwas naman ako nang tingin. I was standing here awkwardly, looking away.

"Pupunta na." Tuluyan na kaming lumabas ni Sir Goldwin sa dean's office. Luminga-linga pa 'ko sa paligid dahil baka may tao pero buti na lang at wala.

"Una na po ako, Sirs." Nakayukong sabi ko bago tuluyang umalis.

Nang makarating sa stadium ay bumungad sa'kin ang mga estudyanteng naghihiyawan, kanya-kanyang sigaw sa pangalan o grupo na sinusuportahan nila. May banner pa ang iba. Nilibot ko ang paningin ko, hinahanap sila Margaux at Zenna. Nang makita ko sila ay agad akong lumapit sa gawi nila, agad naman nila akong nakita at tinignan nang nag-aakusang look.

"Ang sabi iihi raw, pero mukhang hindi naman ihi ang nilabas." Puno ng sarkasmong wika ni Zenna.

"Where ba you nagpunta?" Tanong naman ni Margaux.

"Mamaya ko na iku-kuwento." Ngi-ngiti-ngiti naman akong umupo sa bakanteng upuan na nasa tabi ni Zenna.

"I know that smile, Madison," Bulong ni Zenna. "Ngiting nadiligan."

"Shh, mamaya ko na iku-kuwento, okay?" Napailing-iling na lang si Zenna bago binalik ang atensyon sa panonood.

"YOU DID WHAT?!" Gulat na sabi ni Margaux matapos kung ikuwento sa kanila ang nangyari sa'min ni Sir Goldwin kanina. "I mean, I wasn't shock that you guys did that thing, I was more shock na you did it sa dean's office!" Dugtong pa niya habang naglalakad kami palabas ng university.

"Hindi ko naman kasi inaakalang may mangyayari sa'min, I mean, lagi niya kong iniiwasan at tinatanggihan." Paliwanag ko.

"How about Fury? Magagalit na naman 'yon 'pag nalaman niya ang tungkol dito. Kaaayos niyo lang kanina, eh." Komento naman ni Zenna.

"Hindi naman niya malalaman kung hindi niyo sasabihin." Wika ko.

"But you know Fury, Madison. Kahit hindi tayo nagsasabi nalalaman niya." Wika ni Zenna.

"Napag-usapan naman na namin ang tungkol dito, okay?" Paliwanag ko.

"But aren't you and Professor Gray scared ba? I mean, you're a student and he's a professor." Tanong naman ni Margaux.

Pleasure me, Prof. (Professor Series #1)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum