Special Chapter

5.8K 123 26
                                    

Special Chapter:
The Untold One

NOTE: This is a work of fiction. We do not tolerate nor normalizing underage drinking and underage sex.

R-18, Read at your own risk.

***

Third Person's Point Of View.

"Cheers for Madi's 16th birthday, woah!"

Sigawan ng mga bisita at kaniya-kaniyang taas ng basong hawak nila na may lamang alak.

"Thank you!" Masayang sigaw ng dalaga na si Madi na siyang may birthday at tinungga ang alak na nasa baso niya. "Magsaya lang kayo riyan! Salamat sa pagpunta!" Dagdag pa nito matapos tunggain ang alak na nasa basong hawak niya.

Naghiyawan naman ang mga bisita at nagkaniya-kaniya na ulit sa pagsasaya.

"Girls! Ano ba 'yang iniinom niyo? Juice? Ugh! Ang boring niyo naman, eh. Mag-alak kayo!" Puna nito sa mga kaibigan at isang pinsan niya at isa-isa itong sinalinan ng alak sa baso.

Napailing-iling naman sa kaniya ang kaibigan niyang si Zenna. "Madison, wala pa tayo sa legal age."

Napangiwi naman siya sa sinabi ng kaibigan. "Okay lang 'yan! Sila rin naman." Sabi nito na tinutukoy ang mga bisita na classmates at schoolmates nila.

"Iyon na nga. Paano 'pag may nangyari sa mga 'yan? Ikaw pa ang malalagot dahil ikaw ang may birthday at nagpapainom," Pakikisali naman ng pinsan niyang si Nameis. "At paano kapag nalaman nila Mom and Dad ang tungkol dito?" Dugtong pa nito.

Napanguso naman ang dalaga. "Wala namang mangyayari, okay? At hindi naman malalaman nila Tita Melanie at Tito Carter kung hindi niyo sasabihin. Bigay niyo na 'to sa'kin, birthday ko, oh."

"Ugh! So pait! Jeez." Napatingin naman sila kay Margaux na may sariling mundo sa gilid.

"See? Si Margaux umiinom na, oh!" Napabuntong hininga na lang ang dalawa at pinagbigyan na si Madi.

Matapos ang tatlong oras ay isa-isa nang nagsi-uwian ang mga bisita ni Madi hanggang sa sampo na lang ang natira. Medyo nahimasmasan na rin ng kaunti ang dalaga sa kalasingan kanina. Ang mga kaibigan at pinsan niya naman ay hindi masyadong uminom.

"Madi, tara sa bar!" Aya ng isa sa mga bisita ng dalaga na hindi pa umuuwi.

"Hindi nagpapapasok ng minor do'n 'di ba?" Sabi ng dalaga.

"Akong bahala!" Sagot naman ng bisita niya.

"Madi." Saway nila Nameis at Zenna. Mukhang hindi sang-ayon ang mga ito. Ang isa naman ni lang kaibigan na si Margaux ay tahimik lang, go with the flow lang sa desisyon ng mga kaibigan.

"Girls, please... Birthday ko naman, eh." Nagkatinginan naman ang dalawa. Wala rin si lang nagawa kun'di ang pumayag kahit hindi pa rin sila sang-ayon sa gusto ng dalaga. Kung ito ang makapagpapasaya sa kaarawan nito, ayaw naman ni lang sirain 'yon.

At tama nga ang bisita ni Madi. Nakapasok sila sa bar ng hindi sinisita. Mukhang kilala kasi ng bisita niya ang nagbabantay sa bar, they pulled some strings.

Nilibot ng paningin nila ang loob ng bar. Pagpasok pa lang nila ay bumungad sa kanila ang malakas na tugtog, mga usok na nagmumula sa sigarilyo at vape, mga nag-iinuman at sayawan sa dance floor. Natigalgal din sila ng makakita ng mga naghahalikan at make out sa loob ng bar.

Pero dahil first time lang nila sa gano'ng lugar ay nakaramdam sila ng pagkamangha at excite. Maski sila Nameis at Zenna na hindi pa sang-ayon no'ng una ay parang nadala na rin.

Pleasure me, Prof. (Professor Series #1)Where stories live. Discover now