07

8.6K 173 81
                                    


Her Point Of View.

"Madison."

Inagaw nya sakin ang alak na hawak ko nang makalapit sya. Sinundan ko nang tingin 'yon, akmang aagawin pero iniharap nya sa akin ang sarili nya.

"Madi, what's wrong? Anong problema?" Kita sa mga mata nya ang pag-aalala sa akin. Parang gusto kong umiyak. Sumisikip nanaman 'yung dibdib ko. "Bigla ka nalang umalis."

Umiwas ako ng tingin sa kanya saka ipinatong ang dalawa kong siko sa high table, huminga ako nang malalim dahil pasikip na ng pasikip ang dibdib ko. Naalala ko nanaman kung paano purihin ng mama ni Goldwin si Sydney kanina, para akong nanliit.

"Titigilan ko na sya," Mabilis kong pinunasan ang luhang umagos sa pisngi ko kasabay nang pagsabi ko no'n.

Narinig ko ang malakas nyang buntong hininga. Umupo sya sa tabi ko, hindi parin binabalik ang can beer sa akin. "You made a right decision, Madi."

Hindi ko sya sinagot, umorder uli ako ng isa pang beer sa bartender. Pagkalapag palang no'n sa harap ko ay tinungga ko na agad. Napapikit ako nang maramdaman ko ang init no'n sa lalamunan ko. Hindi pa 'ko nakuntento umorder pa 'ko ng sunod sunod na can.

"Tama na 'yan," Inagaw nya sa akin ang can na pang lima ko na sanang iinumin.

Hinigpitan ko ang hawak dun saka akmang iinumin na pero mas malakas sya sa akin kaya naagaw nya bigla dahilan para matapon sa akin ang laman no'n.

"Fury!?" Inis na sigaw ko sa kanya dala ng sakit at inis sa nangyayari sakin sa araw na 'to. "Umalis kana nga! Bakit ka ba nandito? Hindi mo ba nakikita, gusto kong magpakasaya! Gusto kong kalimutan si Goldwin!"

"Lasing kana, umuwi na tayo. Maaga pa ang pasok mo bukas." Hinawakan nya ang palapulsuhan ko saka tumayo.

Hindi ako gumalaw. "Iwan mo muna 'ko dito." Nanghihina kong utos sa kanya.

"Madison,"

"I said, leave me alone! Bingi ka ba?"

"Hindi kita kayang iwan dito, Madison!" Sigaw nya. "Huwag ka na ngang matigas ang ulo. Sinabihan na kita 'diba? Ano ba 'yang nangyayari sayo, dahil lang ba kay Goldwin kaya ka nagkakaganyan?"

I looked down, surrender. Tinakasan na ako ng lakas para sumagot pa sa kanya. Hindi ko rin namalayan ang mga luhang sunod-sunod na palang umaagos sa pisngi ko. "I broke the rule number one,"

Kahit maingay sa paligid ay narinig ko ang malulutong nyang mura. "Mahal mo na sya?" Binitawan nya 'ko ska inihilamos ang palad sa mukha nya.

"No'ng makita ko sila ni Sydney kanina, nagselos ako. No'ng tinulungan nya si Sydney, nasaktan ako. No'ng narinig ko kung gaano ka-boto ang mama niya kay Sydney, nanliit ako. Alam ko namang walang-wala ako sa level ni Sydney, eh. Sya, mayaman, matalino, disente, karespe-respeto-"

"Huwag mong sabihin 'yan, iba ka sa kanya!" He cut me off. "Huwag mong ikukumpara ang sarili mo sa iba, Madi." Hinawakan nya ang balikat ko para ipaharap ako sa kanya. Napapikit nalang ako nang punasan nya ang pisngi ko gamit ang daliri nya. "Hindi mo kailangan maging mayaman, matalino, para magustuhan ka nya. Madi, you can love anyone, but you can't make anyone love you. Huwag mo nang ipilit, kung nahihirapan kana. Let him be."

Hindi na 'ko nakasagot, ang tanging nagawa ko nalang ay humikbi at sumandal sa dibdib nya nang yakapin nya 'ko.

Hinahagod nya pa ang likod ko para pakalmahin ako, "Umuwi na tayo, ihahatid na kita."

Kumalas na 'ko saka inayos ang sarili ko bilang pagtugon. Inalalayan nya 'ko palabas hanggang sa makarating kami sa kotse nya, akala nya ay lasing na 'ko. Pero para ngang wala akong ininom, eh, hindi manlang nabawasan ang sakit sa dibdib ko.

Pleasure me, Prof. (Professor Series #1)Where stories live. Discover now