08 - ⚠

12.2K 159 113
                                    

R-18, Read at your own risk.

***


Her Point of View.

"And the winner for Miss marupok 2022 is... Braelynn Madison Figuerrera!"

Pang-aasar ni Margaux matapos kong ikuwento sa kanila ang tungkol sa eksena namin ni Goldwin kagabi. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko habang inaalala ang mga nangyari...

"Please, bumalik ka na sa'kin. You're making me crazy, baby," He whispered as he pushed his tongue inside my mouth.

Ako ang unang humiwalay sa halikan namin.

Marahan ko siyang tinulak palayo sa'kin. "Excuse me, Sir." I said as I walked away but stopped when I heard him spoke.

"I understand if you still can't talk to me, but please, let me drive you home." Nagsusumamong wika niya.

"Thanks for your concern, Sir, but you don't have to. My friend will drive me home." I said without looking back at him.

He took a deep sigh before speaking.

"Alright. Please, take care." Hindi ko na siya sinagot at nagpatuloy na sa paglalakad palabas ng smoking area. Pagkalabas ko ay napasandal ako sa pader at napahawak sa dibdib ko.

Gosh, ang bilis nang tibok ng puso ko! Nawala tuloy 'yong kalasingan ko! 'Pag pinagpatuloy pang gawin sa'kin ni Sir Goldwin 'yon baka bumigay na talaga ako.

Bumalik na 'ko sa table namin at umakto na parang walang nangyari. "Madison! Saan ka ba nanggaling? Umuwi na tayo, lasing na lasing na 'tong dalawa." Problemadong wika ni Fury habang nakapameywang na nakatayo sa harapan nila Margaux at Zenna na ngayon ay nakasandal sa couch habang nakapikit ang mata.

"Nag cr lang ako, tara na." Sagot ko at inalalayan na si Margaux, siya naman ay inalalayan si Zenna.

"Congratulations!" Hindi pa nakuntento ang gaga at umakto pang nilalagyan ako ng korona. Napairap na lang ako sa kawalan.

"Paano naman ako naging marupok, e wala ngang nangyari 'di ba! I even declined his offer to drive me home!" Depensa ko.

Napailing-iling naman si Zenna. "Para namang hindi ka namin kilala, Madison. We're pretty sure na kagabi mo lang siya nakayang tiisin, pero sa susunod bibigay ka na." Wika ni Zenna na parang gano'n nga talaga ang sunod na mangyayari. Well, totoo naman. Gaya nga nang sabi ko, 'pag pinagpatuloy pang gawin sa'kin ni Sir Goldwin 'yon baka bumigay na talaga ako.

"Definitely!" Margaux agreed. Napabuntong hininga naman ako. Kilalang-kilala talaga nila 'ko.

"Kaibigan niyo pa rin naman ako kahit marupok ako 'di ba?" I jokingly asked.

"It's not like now lang namin na knows na marupok ka." Margaux said.

"Nadali mo." Zenna agreed. I exaggeratedly held my chest in disbelief.

"Grabe kayo sa'kin! For sure marurupok din naman kayo!" Usal ko.

"Nah-ah." Margaux denied.

"How could I? When there's no man to begin with. I'm a man hater, remember?" Zenna also denied.

"Bullies!" I jokingly said. Ang mga gaga tinawanan lang ako.

"Patapos na ba breaktime?" Zenna asked. Tumingin naman si Margaux sa suot niyang wrist watch.

"We still have 15 minutes." Margaux answered.

"Tara, review tayo saglit sa library." Aya ni Zenna. Next week na kasi ang exam namin.

Pleasure me, Prof. (Professor Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon