11

9.1K 142 207
                                    


Her Point of View.

"Who has B.M.F initials here?"

Nawala ang kaba ko nang may marealized.

Pwede ko naman pa lang sabihin na pumunta ako do'n no'ng inutusan ako ng isa sa sub. teacher namin.

I was about to say that I own the necklace when Sydney stood up and spoke.

"That's mine," Gulat akong napatingin kay Sydney. Kahit sila Margaux at Zenna, including our classmates. Nagulat sila Margaux at Zenna dahil alam nilang akin ang kwintas na 'yon habang ang mga kaklase namin ay paniguradong nagulat dahil iniisip nila na si Sydney ang kumuha at hindi sila makapaniwala.

"That's initials has nothing to do with my name," Sydney continued. Why is she doing this? "It's stand for Business, Money and Fearless,"

Gusto kong matawa kasi ang galing niyang umisip agad ng ibang meaning. Braelynn Madison Figuerrera talaga ang meaning no'n.

"And to clarify things, I did not stole any answer key. These past few days, I noticed that my necklace was gone from my neck, so, I tried to look for it but I failed. No'ng nakaraang araw inutusan ako ni Ma'am Reyes na may kunin sa faculty and I think that's when I lost my necklace. Kahit tanungin niyo pa po si Ma'am Reyes, inutusan niya po talaga akong pumunta do'n." Sydney explained.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa ginagawa niyang 'to. Alam niya bang akin 'yon? I think, yes, nakita niya na sigurong suot ko 'yon noong nasa senior high pa kami. Ngayon kasi pinapasok ko na sa loob ng suot kong damit kaya hindi na nakikita.

Pero kung ganoon. Bakit niya ginagawa 'to? Bakit niya 'ko pinagtatakpan? I mean, yes. We're friends, but now, I hate her. Well, hindi niya nga naman pala alam na may lihim akong sama ng loob sa kaniya.

"Alright, Ms. Lee. We believed in you, but still, we need to hear your whole statement in Dean's Office. Please, follow us," Wika ng School Pres. At nauna nang lumabas pagkatapos magpaalam sa amin.

Tahimik na sumunod si Sydney sa kanya, pero nang nasa pintuan na sya ay mabilis syang lumingon sa direksyon ko, No, sa akin mismo, sa akin sya tumingin. 'Yung tingin nya.. May ibig sabihin. Parang kakaiba? Walang emosyon ang mukha nya pero mababasa mo sa mga mata nya na may alam sya sa nangyayari.

Mabilis lang ang tingin na 'yon dahil tuluyan na syang sumunod sa School President.

"No wonder, kaya pala laging top sa class. E, kase nagch-cheat."

Nabaling ang atensyon ko sa mga ka-blocks namin na nag-uumpisa nang magchismisan.

"True, She didn't stole any answer key daw? Sinong niloloko nya? Feel ko na talaga na nandadaya sya, e. Lagi syang nakakapagrecite at almost perfect score sa mga quizzes, 'di ba?" Chismisan nila.

Hindi ko alam kung saan nanggaling ang inis na biglang nanalaytay sakin habang pinapakinggan ko silang pag-usapan ng gano'n si Sydney. And most of them are Sydney's friends!

Para akong nakaramdam ng guilty dahil sa mga sinasabi ko no'n kay Sydney sa isip ko. Kahit sa isip ko lang sinasabi ang mga 'yon para akong sinampal ng katotohanan na hindi ka dapat manghusga sa kapwa mo, lalo na kung wala kang alam sa totoong nangyari.

High school palang kami, matalino na talaga si Sydney. Hindi nya magagawang magcheat. Matalino sya at lagi talagang nagre-recite, hindi sya nagpapabida kay Goldwin!

At siguro nga, naiwan talaga ni Sydney 'yung reviewer nya kay Goldwin. Hindi nya sinadya 'yon.

Over acting lang talaga 'ko kung mag-isip. Hindi tama 'yon. Nakalimutan kong magkaibigan kami ni Sydney dahil lang sa pag-iisip kong inaagaw nya sakin si Goldwin. Maling mali.

Pleasure me, Prof. (Professor Series #1)Where stories live. Discover now