Part 1

7.5K 76 6
                                        

Guys! Lalaki po dito sina:

Deanna Wong (Dean Wong Jr.);

Bea de Leon (Brie de Leon);

Tots Carlos (Daniel Carlos name nya dito, pero Tots nalang din tawag sa kanya pwede naman pang lalaki);

Kim Fajardo;

Pangs Panaga (Mark Jean Panaga, pero pangs padin tawag sa kanya dito);

Ella de Jesus (Nathan de Jesus, Ethan tawag sa kanya dito);

Kaye Cal;

Riri Meneses (Riri lang din tawag sa kanya dito pero Rico Meneses ang full name nya dito)

Ito naman yung nga girls:

Jesica Margarett Galanza

Jhoana Louisse Maraguinot

Celine Domingo

Carmela Tunay

Michelle Morente

Carly Hernandez

Cess Molina

Kyla Atienza

Yung iba insert nalang...

---------------------

Dean's POV

Hello! ako nga pala si Dean Wong Jr., College Student sa Ateneo, 4th year college, Engineer Student, mahirap lang ako pero siguro nagtataka kayo kung bakit ako nakakapag aral sa Ateneo eh ang mahal mahal ng tuition doon.

Syempre nag tatrabaho ako kila Mayor Elmer, daddy ni Brie, ginawa nya akong scholar, tuwing Sabado at Linggo nandito ako sa kanila bilang boy (taga alaga ng halaman, minsan pag may event sila tumutulong din ako, taga ayos ng mga nasisira sa bahay nila at iba pa...)

Nagtatrabaho din sa kanila yung Lola ko bilang labandera, simula bata pa ako doon na talaga sya nag tatrabaho. Noong bata pa ako sinasama ako ni lola doon kaya naging kaibigan ko si Brie.

Dalawa nalang kami ni Lola sa buhay, dati madalas kong tinatanong kung sino yung mga magulang ko pero nagagalit sya, minsan pa nga sinabi nyang patay na ang mga magulang ko, syempre masakit, pero habang tumatagal natatanggap ko na.

Mabait naman si lola, at alam kong mahal na mahal nya ako.

Focus ako ngayon sa pag aaral, dahil gusto ko din maiahon sa hirap yung lola ko, ayaw kong habang buhay syang nag tatrabaho, saka ayaw ko din masayang yung opportunity na binigay sakin.

Sabado ngayon kaya nandito ako kila Mayor Elmer, habang nag didilig ako ng mga halaman bigla namang sumulpot sa likuran ko si Brie..

"Huy! seryoso ka dyan, halika dito meryenda muna.." aya nya sakin

Si Brie, kaibigan ko to, kahit na sobrang yaman nila hindi nya ako sinungitan, mabait at gwapo syempre kaya maraming nagkakagusto.. Engineer din yung course nito, kaklase ko din sya, engineer ang kinuha nyang course dahil ayaw nya kasing sumunod sa yapak ng daddy nya na pumasok sa politika.

"Sige lang Brie, tatapusin ko muna to, saka nakakahiya naman" sabi ko sa kanya, tumayo naman sya para hilahin ako paupo

"Hay nako.. dali na.. ako bahala sayo.." nakangiting sabi nya, wala naman akong magawa kundi ang sumunod.. amo ko na din to eh..

"oh ayan, mag juice ka.. bread.. kainin mo yan lahat ng tumaba ka naman, gwapo ka nga kulang ka naman sa laman.." sabi nya habang binibigyan ako ng mga pagkaen, kaya natawa naman ako

Starting over AgainWhere stories live. Discover now