Jema's POV
Lunes...
Isang linggong hindi pumasok si Dean.
Pagkatapos ng nangyare sa Lola nya, alam kong sobrang bigat ng nararamdaman nya ngayon. Sobrang mahal nya kasi yung lola nya..
Kakalibing lang kahapon ng lola ni Dean.. nakilibing kami, habang nakikita kong umiiyak kahapon si Dean nasasaktan ako.. Parang gusto ko syang lapitan at yakapin kahapon, pero hindi ko magawa.
"papasok kaya ngayon si Dean?" tanong ni Ced
"Ang sabi ni Brie kahapon, papasok daw sya ngayon." sabi ni Jho
"Nakaka awa sya no? mag isa nalang sya sa buhay.." sabi ni Ced, tumango naman si Jho
"Napaka Lola's boy pa naman non.." sabi ni Jho
"Kaya hindi din maiwan nila Tots yun nung nakaburol pa yung Lola nya.. hindi daw kasi umiiyak si Dean.. kahapon nga lang daw umiyak yun.." kwento ni Ced
Kahit ako sobra akong nag aalala kay Dean.
"Pero, totoo ba? si Riri daw yung nakabangga sa Lola ni Dean?" tanong ni Mela
"Oo daw, sabi ni Brie... nag tataka nga daw sya kung bakit nandon si Riri.." sabi ni Jho
Nakikinig lang ako sa kwentuhan nila.
"Pero ang sabi ni Riri, hindi daw sya.. pero kasi sasakyan nya yun eh.." sabi naman ni Mela
"Sasampahan kaya ni Dean ng kaso si Riri?" tanong ni kyla
"wala pa kaming balita eh.." sabi ni Ced
Nang dumating na yung prof namin, natahimik na sila sa pagkukwentuhan.. Nakinig lang ako sa prof namin.
Lunch na, kaya papunta kami sa canteen, kasama namin si Ethan, pag dating namin doon, nandon na din sila Brie, maliban kay Dean.
"Nasaan si Dean? hindi pumasok?" tanong ni Jho kay Brie
"uhm.. ayaw kumaen eh.." malungkot na sabi ni Brie, "matamlay.. hindi ngumingiti.. wala sa sarili.." dagdag nya pa
"mamaya nga don ako matutulog sa bahay nila.. baka kasi anong gawin non.. lalo na at mag isa nalang sya sa bahay nila.." sabi ni Pangs
"tama.. sasama kami.." sabi naman ni Brie
Napakagat naman ako sa pang ibabang labi ko..
Gustong gusto ko syang puntahan..
Nang matapos na yung lunch, bumalik kami sa room.
"Alam nyo, parang gusto ko tuloy sumama kila Deans mamaya.." sabi ni mich
"gaga, porket nandon si Pangs.." asar naman ni Mela
Hindi ko nalang sila pinansin.. iniisip ko parin si Dean.
Buong hapon syang nasa isip ko, hanggang sa mag uwian.
Pagdating namin sa parking, nandon sila Brie.. kaso hindi nila kasama si Dean.
"Oh?? asan si Dean? akala ko ba sasama kayo sa bahay nila?" tanong ni Mela
"yun nga eh.. kanina pagkatapos ng unang subject namin sa hapon, nagpaalam syang mag ccr, kaso hindi na bumalik.. kanina pa nga namin hinahanap.." kwento ni Kim
"Hindi namin alam kung saan nag punta.." sabi ni Brie
Dali dali naman akong umalis at nag drive, baka nandon sya..
Ilang oras din akong nag drive papuntang City of lights, kaso pag dating ko doon, wala akong Dean na nakita, kaya umuwi na ako..
----------------

YOU ARE READING
Starting over Again
FanfictionPaano kapag mahal mo pa pala yung taong iniwan mo? sabi nga ni Vice Ganda,, hindi lahat ng iniiwan pwede mong balikan. Paano kung mahal ka pa nya pero natatakot na syang sumubok ulit sayo dahil natakot na syang masaktan uli?