Part 16

1.8K 48 1
                                        

Dean's POV

Tatlong buwan na ang nakakalipas, naging tahimik, walang gulo, natuwa naman ako dahil natupad yung dasal ko na layuan kami ng gulo.

Pero hindi parin nawawala sa pakiramdam ko yung may nagmamasid sakin.

Tatlong buwan na din kami ni Jema. Masaya naman kami, kahit minsan may hindi pagkakaintindihan dahil busy, pero may time parin naman kami sa isa't isa..

Monthsary namin ngayon kaya meron akong dalang sunflower.

Nakangiti ako habang nag lalakad, nang may tumawag sakin.

"Deans, saglit..." tawag ng lalaki, nilingon ko naman at nakita ko si Gel

"Oh Gel, kamusta?" tanong ko, nag apiran kami,

"Ok lang naman" nakangiting sabi nya, tumingin sya sa hawak ko, "hanep.. para kay Jema?" nakangiting tanong nya, tumango naman ako..

"Sama ako heheh" sabi nya, tiningnan ko naman sya..

"B-bakit?" tanong nya

"Ikaw.. nakaka halata na ako sayo ha.. gusto mo lang makita si Kyla eh" asar ko, napanguso naman sya

"hala.. d-di ko type yun.." sabi nya, kaya natawa ako

"oh sya.. halika na, mamaya mamatay ka kapag hindi mo nakita yung gusto mong makita hahah" sabi ko, sabay akbay sa kanya, iiling iling naman sya habang natatawa.

Pag dating namin sa room nila, sakto wala pang prof.

"Hi Deans.. hanep may pa flower.." natatawang sabi ni Ced, natawa naman ako

"B, happy Monthsary.." nakangiting sabi ko, sabay halik sa noo nya..

"Aaaaayyyyiiieeeee wooh langgam dito...!" sigaw ni Kyla

"Huy ingay mo.." sabi naman ni Gel kay Kyla, inirapan naman sya ni Kyla

"ikaw? bat nandito ka??" mataray na tanong ni Kyla kay Gel

"Nandito si Dean eh.." sabi ni Gel

"Naku talaga.. pag kayo nagka gustuhan ewan ko nalang sa inyo.." asar ni Mela

"Naku, hindi naman yan yung ipinupunta ko dito.." sabi ni Gel.. nakita ko sya na may tiningnang babae..

aaawwwww kala ko si Kyla.. iba pala.. sabagay maganda tong babaeng to...

"Huy!" siko ko sa kanya, halata namang namula sya.

"hahahahaha Dean naman eh.." nahihiyang sabi nya.. tinawanan ko lang sya. Binalingan ko naman si Jema

"B.. date tayo mamaya.." nakangiting sabi ko

"U-uhmm.. Dean, m-may pupuntahan kasi ako mamaya.." sabi ni Jema.. nawala naman yung ngiti sa labi ko, maliban sa tinanggihan ako, Dean nalang yung tawag nya sakin.

"T-talaga? osgi, next time nalang..." sabi ko

"Uhmm Dean... late na kayo..." sabi ni Jema.. "thank you sa flower..next timw wag ka ng mag abala" sabi nya..

Tiningnan lang ako ng mga kaibigan nya..

"A-ahh... una na kami.." sabi ko, sabay talikod..

Malungkot akong nag lakad papunta sa room..

Bat parang naging cold yun?

"Deans.. ok ka lang?" tanong ni Gel, umiling naman ako, hinayaan nya muna ako.

Pag dating ko sa room, tahimik lang ako.

Napansin naman nila Brie at Tots iyon.

"Huy! seryoso ka dyan??" tanong ni Brie

Starting over AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon