Jema's POV
Nang makapasok ako sa bahay, abot tenga yung ngiti ko.
Masaya ako eh bakit ba?
Dumeretso ako sa kwarto ko, at nilapag ko yung sunflower na bigay sakin ni Dean sa mini table ko.
Ginawa ko muna yung night routine ko bago ako humiga sa kama..
Pag labas ko ng CR, nakita ko nanaman yung sunflower, kinuha ko naman iyon at pinagmasdan... napangiti naman ako..
Hindi sya mamahalin pero ito na yata yung pinakamagandang bulaklak na natanggap ko.. :))
Kinuha ko naman yung phone ko at tinext si Dean.
Nakauwi na kaya sya?
To: Dean
Hi Dean, nakauwi kana? again, thank you sa flower! <3 :))
sent
Hinintay ko lang yung reply nya... maya maya tumunog na yung Phone ko, kinuha ko naman iyon at napangiti.. nag reply na kasi sya
From: Dean
Para sa mahal ko... ;)
Mas lalo pang lumawak yung ngiti ko..
aackk! mahal daw!...Ano ba.... kinikilig ako..!
Hanggang umaga kami magkatext ni Dean..
Natulog na ako nung hindi na sya nag reply, siguro nakatulog na.. sabagay may trabaho pala sya bukas..
Sipag talaga ng mahal ko :))
KINABUKASAN...
Tanghali na ako nagising... ginawa ko muna yung morning routine ko pagkatapos nag check ako ng phone ko, agad naman akong napangiti ng makita kong may text na si Dean.
From: Dean
Hi Jema, good morning, breakfast kana, don't skip ha.. please always take care... :)) <3
Nireplyan ko naman sya..
To: Dean
Hi Dean, good morning too, ikaw din po.. please take care din ;) <3
sent
Nang matapos ko syang replyan, bumaba na ako, nakita ko naman sila Daddy sa sala nag kukwentuhan..
Napatingin naman sila sakin..
"Aba mukhang good mood ang anak ko?" tanong ni Daddy, tumabi naman ako sa kanila..
"Ate, baka mapunit na yung bibig mo sa sobrang lawak ng smile mo.." asar ni Mafe, inirapan ko naman sya..
"may maganda bang nangyare anak?" nakangiting tanong ni Mama, tumango naman ako
"Ok na kami Ma'" nakangiting sabi ko
"Nino? yung kinukwento mo?" tanong naman ni Dad, tumango naman ako
"Actually dad, manliligaw ko na po sya" nakangiting sabi ko
"Ganon ba? aba.. papuntahin mo sya dito mamayang dinner, gusto ko syang makilala.." sabi ni Dad, nagulat naman ako
"Dad naman.. manliligaw palang eh" sabi ko habang nakanguso
"Oh eh ano naman, mas maganda nga na makilala namin sya habang manliligaw mo palang." sabi ni Dad
"Oo nga ate..ng makilatis.." sabi naman ni Mafe
"Oo, kikilatisin namin si ng Tito mo..." sabi ni Dad, "kapag hindi sya pumunta dito mamaya, tumigil na sya sa pang liligaw sayo.." dagdag pa ni Dad

YOU ARE READING
Starting over Again
FanfictionPaano kapag mahal mo pa pala yung taong iniwan mo? sabi nga ni Vice Ganda,, hindi lahat ng iniiwan pwede mong balikan. Paano kung mahal ka pa nya pero natatakot na syang sumubok ulit sayo dahil natakot na syang masaktan uli?