Jema's POV
Nasasaktan ako sa ginagawa ko kay Dean ngayon..
"Jema... ano yun??!" inis na tanong sakin ni Brie, inis ko naman syang tiningnan, "alam mo bang umabsent si Deans ng isang subject para lang makabili nyan??!" inis na sabi ni Brie
"Brie! wala akong sinabi na bilihan nya ako nyan... at hindi ko din sinabi na umabsent sya ng isang subject para bumili nyan!" inis na sabi ko
"Jema.. sobrang mahal ka ng kaibigan ko, sana kung sasaktan mo sya, wag mo ng patagalin.. wag mo ng unti untiin.." galit na sabi nya, sabay lakad palayo
Tumingin naman sakin yung mga kaibigan ko habang naiiling
"Jema.. madali lang naman maka appreciate ng regalo.. monthsary nyo ngayon.. malamang magbibigay sya nyan.." inis na sabi ni Jho at nag lakad na palayo
"Tama si Brie Jema.. kung sasaktan mo lang si Deans wag mo ng unti untiin.. kung hindi mo na mahal bitawan mo na.. ayaw naming masaktan yung kaibigan namin.." inis na sabi din ni Tots, tiningnan ko lang sila..
Kung alam nyo lang...kung alam nyi lang kung gano ko kamahal yung kaibigan nyo.. kahit ano isasakripisyo ko para sa kanya... ganon ko sya kamahal...
Gusto ko ng umiyak.. pero pinipigilan ko, iniwan na din ako ng mga kaibigan ko, tanging si Kyla lang yung natira sa tabi ko..
Malungkot ko namang kinuha yung cake at pinagmasdan yon..
"Bes.. alam kong may tinatago ka.., pwede mong ishare sakin.." sabi ni Kyla.. niyakap ko naman sya at umiyak..
"Gusto mo pag usapan natin sa bahay nyo?" tanong ni Kyla, dahan dahan naman akong tumango, at binitbit ko din yung cake na bigay ni Dean.
Nang makarating kami sa bahay, nilagay ko muna sa ref yung bigay ni Dean na cake..
Pagkatapos dumeretso kami sa Kwarto..
"Jema.. kwento ka.. anong problema..?" tanong ni Kyla sakin..
Kinuwento ko naman lahat sa kanya..
Flashback...
Pauwi ako galing sa mall, dahil bumili ako ng regalo ko kay Dean para sa Monthsary namin..
"Jema.." tawag nya sakin, inis naman akong lumingon sa kanya
"Bakit?" tanong ko sa kanya..
"P-pwede ba kitang makausap?" tanong nya
"tungkol saan nanaman Ethan?!" tanong ko, "pati ba naman dito sinusundan mo ako?!" inis na tanong ko
"Please.. pakinggan mo naman muna ako Jema.. n-nanganganib si Deans.. p-pati ako nadamay.." sabi nya, kumunot naman yung noo ko
"anong pinagsasabi mo??!" tanong ko sa kanya
"m-merong nakaaway sila Dean, isang grupo.. dahil sa sobrang galit nila Jema nanganganib yung buhay ni Dean...!" sabi nya, halatang nag sasabi sya ng totoo..
"P-panong nangyare??" tanong ko
"Si Brie, at si Dean, meron silang nakasagupa dati... n-nakita ko yun... dahil nakita ko yung nangyare, dinamay din ako ng mga lalaking yon.. p-pati pamilya ko dinamay.. idadamay daw nila yung pamilya ko kapag hindi ko ginawa yung pinapagawa nila sakin..." sabi nya, hinawakan nya yung kamay ko.. "Jema.. kailangan ko ng cooperation mo.. kailangan mong hiwalayan si Dean.. kung hindi madadamay yung lola nya, hindi lang yung lola nya, pati yung magulang ko.. please Jema...! mga kriminal yung mga taong yun!" naiiyak na sabi nya

YOU ARE READING
Starting over Again
FanfictionPaano kapag mahal mo pa pala yung taong iniwan mo? sabi nga ni Vice Ganda,, hindi lahat ng iniiwan pwede mong balikan. Paano kung mahal ka pa nya pero natatakot na syang sumubok ulit sayo dahil natakot na syang masaktan uli?