Part 23

2K 42 1
                                        

Dean's POV

Friday na ngayon..

Ngayon na yung araw na kakanta kami ni Carly.

Medyo kinakabahan ako dahil 1st time ko talaga na kumanta dito sa school.

Isang araw lang kami nakapag practice ni Carly.

Habang naglalakad ako papunta sa room, naalala ko nanaman si Brie, hindi parin kasi kami nag papansinan.

Napasobra ata ako nung nakaraang araw...

Pag pasok ko ng room, nakita ko si Brie tahimik na nakaupo.

Napatingin naman sakin yung tatlo, pagkatapos tinanguan sila.

Siguro naman hindi naman mahirap mag sorry..

Haiist.. sige na nga..

Lumapit ako kay Brie

"uhm..B-Brie.. p-pwede ba tayong mag usap?" tanong ko, tiningnan nya naman ako

"uhmm.. I know napasobra ako nung nakaraang araw.. g-gusto ko lang mag sorry..." sabi ko habang nakatingin sa kanya

Tumayo naman sya, at bigla nya akong niyakap

"sorry din Deans.. nadala lang ako.." sabi nya

"ehemm.. ayiieee.. mga baklang to..!" singit ni Tots

Natawa naman kami..

"ohhh group hug! wala ng mag aaway ha...!" sabi ni kim

"Deans.. diba ngayon kayo kakanta??" tanong ni Brie, tumango naman ako

"nood kayo ha??" sabi ko

"Oo naman, video pa namin hahaha ganda ng ka duet mo eh hahaha" asar ni Tots

"gago.. sumbong kita kay Ced dyan e.." nakangusong sabi ko, napanguso naman sya

"anong kakantain nyo?" tanong ni Kim..

"Hanap hanap.." sabi ko

"ayy maganda yon bro.. si Jema parin pala ang hanap hanap parapap... " kanta ni Tots, sinamaan ko naman sya ng tingin.. nag peace sign naman sya

Tumawa naman sila Brie

Maya maya sabay sabay na kaming pumunta sa fermin hall..

Doon kasi gaganapin yung event

"Guys.. bilisan na natin, nandon na daw sila Jho.." sabi ni Brie..

Kinabahan naman ako, malamang nandon si Jema..

"Deans.. nakausap mo ba si Jema?" tanong sakin ni Brie..umiling naman ako

"Sana magkausap kayo.." sabi nya, napakunot noo naman ako..

Para saan pa??

Hindi ko nalang sya pinansin, pagdating namin doon, nakita ko si Carly, halatang hinahanap na nya ako, kaya nagpaalam muna ako kila Brie, tinanguan lang nila ako.. nakita kong nilapitan nila Brie sila Jho, nakita ko din si Jema na nakaupo..

Nag lakad na ako palapit kay Carly.

"kala ko di ka pupunta eh.. kanina pa kita hinahanap.." sabi ni Carly sakin

"Dumaan pa kasi ako sa room, sabay sabay kami pumunta dito ng mga kaibigan ko." sabi ko, tumango naman sya..

"pinagpapawisan kana.. kabado?" nakangiting sabi nya, tumango naman ako, bigla nya namang pinunasan yung pawis ko..

Nagpalinga linga naman ako, feeling ko kasi may nakatingin sakin..

Maya maya nag salita na yung MC

"Ok guys! Good Morning to all student! excited na ba kayo??!" sigaw ng MC

Starting over AgainWhere stories live. Discover now