Part 15

2.1K 48 2
                                        

Dean's POV

Habang nag lalakad ako dito sa school, nararamdaman ko nanaman na may naka masid sakin, kaya nag madali akong maglakad..

Minsan nakikita ko sa likod ng puno, sa malayo.. pero hindi ko mamukhaan, dahil naka jacket sya at may face mask..

Pero ngayon ramdam kong nasa malapit lang sya..

--------
Someone's POV

Nakamasid ako ngayon sa kapatid ko.. alam kong ramdam nya na may nakatingin sa kanya..

Hahaha, maganda yan.. malakas pakiramdam mo, makakatulong sayo yan..

Nagulat ako ng tumingin sya kung saan banda ako nakatayo..

Nag tago ako, pero pag tingin ko uli sa kanya wala na sya... kaya inilibot ko yung paningin ko...

Nagulat ako ng may biglang humawak sa likod ko...

-----------

Back to Dean's POV

Huli ka... tatago ka pa ah..

Nakita ko na yung laging nakamasid sakin.. mukhang nahalata nya naman yon kaya nag tago sya..

Sinamantala ko naman yung pag tago nya para makawala sa paningin nya, umikot ako papunta sa pinagtataguan nya... kaya nandito ako ngayon sa likod nya.. Nakita ko sya na sumilip uli.. kaya hinawakan ko sya sa balikat nya..

Naka jacket sya na black at suot nya din sa ulo nya yung hoodie ng jacket nya kaya mahirap kilalanin kung sino kasi naka face mask din sya..

Ramdam ko yung gulat nya..

Akmang tatakbo sya, pero hinawakan ko sya at pinulupot yung braso ko sa leeg nya.. kaya yung porma namin ngayon para ko syang hinohostage..

"bakit lagi kang nakamasid sakin ha??! sino ka?!" seryoso at kabadong sabi ko

"a-aaraayy! pakawalan mo ako.." sabi nya, "nasasaktan ako.." dagdag nya pa

Tinanggal ko yung hoodie ng jacket nya at yung mask nya kaya lumantad yung mukha nya... napakunot yung noo ko..

Sino to??

"Pakawalan mo na ako.. mag papaliwanag ako.." sabi nya, kaya dahan dahan ko syang binitawan..

hinawakan nya yung leeg nya, halatang nasaktan nga sya..

"Hooo! papatayin mo ata ako eh.." sabi nya..

Mukhang mabait naman sya.. pero mahirap ng mag tiwala sa panahon ngayon..

Seryoso naman akong tumingin sa kanya..

"Ano? bakit lagi kang nakasunod sakin?" tanong ko, natawa naman sya..

"haha, wala lang trip ko lang.. ayaw mo nun? may nakabantay sayo?" tanong nya habang nakangisi.. kumunot naman yung noo ko

"Bakit? hindi ko kailangan ng bantay..." sabi ko, natawa uli sya

"hindi, malay mo mamaya may mga masasamang tao na lumapit sayo.. hahah saka gusto ko lang makipag kaibigan.. n-nakikita ko kasi yung grupo nyo.. ang saya saya.. wala pa kasi akong kaibigan dito.. saka alam kong mabait ka..." sabi nya.. tiningnan ko lang sya..

pero ang weird ng reason nya..

"Gel... Gel Cayuna.." pakilala nya, inilahad nya naman yung kamay nya, matagal kong tiningnan yung kamay nya, pero kinamayan ko nalang din..

"Dean Wong..." pakilala ko.. tumango naman sya..

"wag mo ng uulitin to ha...nakakatakot eh.. lalo na yung ganyan.. balot na balot mukha mo.. kahit sino matatakot.." sabi ko, natawa naman sya..

Starting over AgainWhere stories live. Discover now