Part 28

2.2K 54 2
                                        

Jema's POV

Hapon na ako nagising, mamayang gabi pa naman yung birthday party ni Tito D kaya aalis muna ako saglit, pupunta ako ngayon ng Loyola Memorial Park..

Ilang oras pa yung biniyahe ko, nakarating din ako sa Loyola.

Pag dating ko sa puntod nya, nakita kong ang dami nanamang mga damo, kaya bumalik ako sa sasakyan para kumuha ng pang linis..

Nang makuha ko na yung pang linis, sinimulan ko ng bunutin lahat ng matataas na damo, nilinisan ko din yung paligid ng lapida nya..

Nang matapos ako, nilagay ko na yung bulaklak sa tabi ng lapida nya..

"Ayan malinis na uli.." nakangiting sabi ko

Sa loob ng tatlong taon, palagi akong dumadalaw dito... palagi ko ding nililinisan ito...

Mga isang oras din akong nag stay dito, maya maya nagpasya na akong umalis..

Bago ako umuwi dumaan muna ako ng coffee shop namin para uminom ng kape..

Pagkatapos umuwi na ako para mag ready..

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.
------------------

Riri's POV

Sunday ng umaga, maaga akong nagising para pumunta sa airport..

May mga driver naman kami, pero mas gusto kong ako ang magsusundo sa kanila

Nang makarating ako doon, isang oras pa akong nag hintay bago ko sila makita..

Napangiti naman ako, agad kong niyakap si dad..

"Hey son! how are you?" tanong nya

"I'm fine! parang isang linggo lang tayong hindi nag kita dad..." nakangiting sabi ko sa kanya... natawa naman sya, "Happy Birthday!" bati ko sa kanya at niyakap uli sya..

Tumingin naman ako sa taong kanina pa nakatingin at nakangiti sakin..

Lumapit ako sa kanya at niyakap sya..

Namiss ko to!

"Binisita mo na ba sila?" tanong nya, ngumiti naman ako at tumango

"Yes... dadalawin mo ba sila?" tanong ko, tumango naman sya

"Yes.." sabi nya

Napangiti naman ako

--------------------

Jema's POV

Nandito na kami sa malapalasyong bahay ni Tito D, sobrang lawak ng bahay nila.

Maya maya nakangiting lumapit sa amin si Tito D

"Kumpare!" nakangiting bati ni Tito D kay Dad

"Kumpare! kamusta na? ang tagal nating hindi nag kita! almost 3 years?" nakangiting bati din ni Dad sa kanya, nakikinig lang ako sa kanila, tumingin naman sakin si Tito D

Starting over AgainWhere stories live. Discover now