Part 4

2K 59 1
                                    

Dean's POV

Nakita kong namula si Jema ng ngitian ko sya at kindatan, natawa naman ako..

Alam ko kasing galing sa kanya itong cookies dahil sya lang naman yung tinulungan ko ngayong umaga..

Pikachu... favorite nya ata yung pikachu.. :))

"Tangina, nababaliw tong kaibigan natin.!" sigaw ni Tots.. ingay talaga nito..

hindi ba na tuturn off si Ced dito? nasa kabilang upuan lang sila Ced oh.. hindi ba sya nahihiya? sabagay wala namang hiya to..

"Hey!! sino naka miss sakin?" biglang sulpot ng nag salita.. si Pangs pala.. nakabalik na pala sya. may inaasikaso kasi to..

"Hey bro, watzup? how are you?" nakangiting tanong ni Brie, nakipag fist bump naman sya samin

"I'm fine.. namiss ko kayo.." sabi nya.. napatingin naman sya sakin, "gumagwapo ka ngayon Dean.." nakangiting sabi nya sakin natawa naman ako

Umupo naman sya sa tabi ko at bumulong..

"Balita ko sinapak ka daw ni Ethan? banatan na ba natin bro?" tanong nya sakin, kumunot naman yung noo ko

"wag na bro..hahaha thank you, pero wag na.. baka lalo pang mapasama.." sabi ko, tinapik nya naman ako sa balikat

"Basta pag may nag agrabyado sayo, nandito lang kami.." bulong nya sakin.. tumango nalang ako.

as if naman na ilalagay ko sa gulo yung mga kaibigan ko.. dibaleng ako nalang, wag lang sila...

"Pangs, kamusta yung inayos mo? ok na?" tanong ni Brie

"Yeah! kaya ito excited pumasok.. ow..! wait! puntahan ko lang yung mahal ko.." paalam nya samin at saka nag lakad papunta sa table nila Jema..

Girlfriend nya kasi si Mich..

Napatingin naman ako kay Kim.. seryoso masyado..

"Kim, ok ka lang?" tanong ko, umiling naman sya..

"Badtrip eh, yung Kaye na yon, dikit ng dikit kay Mela.." sabi ni Kim..

"Kaye? kapatid ni Kamuy?" tanong ko, tumango naman sya..

Tumingin naman ako kay Mela, kakwentuhan nya si Kaye..

Oo nga.. nakaka selos nga yan..

Binalik ko naman yung tingin ko kay Kim

"Bakit hindi mo puntahan?" tanong ko

"Wag na, baka nakaka istorbo ako, mukhang enjoy naman sya.." seryosong sabi ni Kim

"Pero Kim kung hahayaan mo lang yan, ikaw din masasaktan, ikaw din baka maagaw sayo..." sabi naman ni Tots

"gawin nya kung anong gusto nya.. ako nga hindi lumalapit kung kanikaninong babae eh.." seryoso paring sabi ni Kim..

Kahit hindi showy itong si Kim, alam kong mahal na mahal nya si Mela..

Tiningnan ko uli si Mela.. pero nahagip naman ng mata ko si Ethan, ang sama nanaman ng tingin sakin.. pero hindi ko nalang sya pinansin..

"Uhm Guys, una na pala kayo sa room, may dadaanan muna ako.." paalam ko sa kanila..

"Ayaw mo magpasama?" tanong ni Brie

"Wag na.. mabilis lang ako, baka nga maabutan ko pa kayo dito.." sabi ko, tumango lang sya

Naglakad ako palabas ng pinto.. nakita ko naman sa gilid ng mata ko na tumingin sakin si Jema..

Nang makalabas ako ng canteen tiningnan ko yung likod ko kung may tao, baka kasi palihim na sumunod sakin sila Brie..

Starting over AgainWhere stories live. Discover now