Jema's POV
Nandito ako ngayon sa office nag tatrabaho, maghapon akong busy
Biglang pumasok yung assistant ko.
"Good Morning Mam Jema, tomorrow may meeting po kayo with Mr. Bryan and Mr. Wong, 10AM sharp.." sabi nya sabay lapag ng papel sa harap ko
"ok thank you.." sabi ko, lumabas naman agad yung assistant ko
So mag kikita kami ni Riri bukas..
Maya maya narinig kong nag ring ang phone ko, tiningnan ko naman ito..
Si Kyla.. bakit kaya?
"Hello Kyla?" sagot ko
"Hi Bes.. san ka?" tanong nya
"office.." sagot ko
"Samahan mo naman ako bes.." sabi nya, napakunot naman yung noo ko..
"saan?" tanong nya
"Titingin lang ako ng susuotin ko sa wedding nila Jho.. kasi diba? sa Zambales yun gaganapin??" sabi nya, napa face palm naman ako
Oo nga pala.. ngayong month na yung kasal nila.. pupunta kaya si Dean?
"Ok...ok... sige sasamahan kita at bibili na din ako..." sabi ko,
Binaba ko na yung call
Niligpit ko na yung mga gamit ko, pagkatapos lumabas.
Nag drive ako papunta sa.....
shit.. hindi ko natanong kung saan kami mag kikita..
Tinawagan ko nalang din si Kyla.. sinagot nya naman agad ito..
"Kyla, saan tayo mag kikita?" tanong ko
"Yan..! babaan ba naman kasi ako ng call kanina hahaha... sa MOA nalang, ay hindi pala...daanan mo ako dito sa bahay.." sabi nya, napa roll eyes naman ako..
"Ok.." sabi ko at binaba yung phone
Mga kalahating oras ang biniyahe ko, pag dating ko sa kanila.. nakita ko syang nakatayo sa labas ng bahay nila
Nang makita nya ako, kumaway sya sakin at dumeretso papasok dito sa kotse ko
"bes! ang tagal mo..." sabi nya
"traffic.." sagot ko
Nag kwentuhan lang kami habang nasa byahe, naabutan na din kami ng traffic kaya medyo madilim na kami nakarating ng MOA, pag dating namin don, namili na kami ng mga susuotin namin para sa kasal ni Jho
Nang matapos kami, inaya ko syang kumaen, pumayag naman sya..
Habang kumakaen kami, naalala ko si Dean..
"Bes.." tawag ko sa kanya
"yes?" tanong nya, sabay subo
"Nakita ko si Dean.." sabi ko
cough! cough!!
Nabilaukan sya sa sinabi ko.. nang makainom sya ng tubig at ng mahimasmasan sya nag salita sya
"Naku Bes.. baka namamalikmata ka lang...or imagination? ganon?" sabi nya, inirapan ko naman sya
"gaga.. totoo nga... kagabi, birthday ni Tito D..? nandon sya.. at ito pa bes.. kapatid nya si Riri..." kwento ko, gulat naman sya sa sinabi ko kaya napahawak sya sa bibig nya
"OMG.. really?!" gulat na tanong nya, tumango lang ako, "pano nangyare?" tanong nya
"sabi ni Tito Dean..long lost son nya daw.. at akala nya daw dati patay na si Dean kasama ng mama nya.. pero ayun, nakita nya daw uli.." kwento ko

YOU ARE READING
Starting over Again
FanfictionPaano kapag mahal mo pa pala yung taong iniwan mo? sabi nga ni Vice Ganda,, hindi lahat ng iniiwan pwede mong balikan. Paano kung mahal ka pa nya pero natatakot na syang sumubok ulit sayo dahil natakot na syang masaktan uli?