Part 5

2.4K 51 0
                                        

Dean's POV

Pag pasok ko sa bahay, nakita kong nakahiga si Lola sa sofa..

Shit! oo nga pala.. hindi pala to matatahimik kapag hindi ako naka uwi sa tamang oras..

Nakatulog na sya sa kakahintay sakin, hindi din kasi ako nakapag paalam sa kanya kanina..

"Lola.." tawag ko sa kanya habang tinatapik, nagising naman sya

"Oh, apo.. saan ka ba nag pupunta at ginabi ka?" tanong nya

"La, may kinausap lang po ako.." nakangiting sagot ko

"Ahh, kumaen ka na ba?" tanong ni Lola

"Tapos na po.. kayo po ba?" tanong ko

"Eh hinihintay kita eh, edi ako nalang pala ang kakaen.." sabi nya

Talagang hinintay nya ako, hindi talaga sya kumaen..

Nakonsensya naman ako..

"Pero La' nagugutom uli ako.. kaya sasabayan kita kumaen.." nakangiting sabi ko

"Osya, tara kaen tayo.." sabi nya

Habang kumakaen kami, hindi ko maiwasang hindi mapangiti..

"Apo..? mukhang malala ka na?" sabi ni Lola

"P-po?" tanong ko

"Sabi ko mukhang malala ka na.. nangingiti ka dyan mag isa.." sabi ni Lola... natawa naman ako..

Basag trip din to si Lola minsan..

"Lola naman, napangiti lang eh.." sabi ko

"Iba ngiti mo eh..haha" natatawang sabi nya

"La, kasi kanina, nakasama ko yung crush ko..." nakangiting kwento ko, "Masarap din pala syang kausap.. kala ko kasi mataray sya.. saka kala ko mapagmataas.. hindi naman pala.." nakangiting kwento ko

"Hahaha parang nararamdaman ko nga apo na hindi lang crush yang nararamdaman mo.. inlove ka na.." asar nya sakin.. kumunot naman yung noo ko..

"La naman... wag na muna yang inlove inlove na yan." sabi ko, natawa naman sya..

"Hay nako apo.. kahit pigilan mo yan, hindi mo kakayanin.." nakangiting sabi nya, napailing naman ako...

Nang makatapos kami kumaen, ako na yung nag hugas, pagkatapos pumasok na ako sa kwarto ko..

Kinuha ko muna yung bracelet sa bulsa ko...

Naputol.. dibale..ipapa ayos ko nalang to...

Nang makahiga na ako, naalala ko si Jema... yung hinalikan nya ako sa pisngi kanina, kaya napangiti naman ko at hinawakan yung pisngi kung saan nya ako hinalikan..

Oo na... kinikilig na ako... mukhang tama nga si Lola.. kahit pigilan ko to, hindi ko kaya... bakit kaya hindi ko i try? kaso baka di nya naman ako gusto... saka wala akong pera na pang date sa kanya sa mga mamahaling restaurant... pang karinderya at canteen lang yung makakaya ko...

Nakaramdam naman ako ng lungkot..

Hay! bahala na nga si Batman!

KINABUKASAN...

Maaga akong nagising at nag ayos... baka kasi traffic nanaman.. bago ako umalis nag paalam na muna ako kay lola..

Habang nasa jeep ako, medyo naiinip na ako, kasi sobrang traffic.. baka ending nito ma late ako.. kaya no choice ako kundi ang bumaba at mag lakad nalang..

Habang naglalakad ako, nakita ko ang isang may edad na lalaki, nakatingin sa gulong nya habang nagkakamot ng ulo..

Nakita kong flat yung isang gulong nya... buti nalang at nasa gilid sya ng kalsada.. hindi makakadagdag sa traffic..

Starting over AgainWhere stories live. Discover now