Part 32

2.9K 64 0
                                        

huy! bawal basahin ng bata ito.. ⚠️

Jema's POV

"Huy! tulog na si Dean.. sino mag hahatid ngayon dyan?" tanong ni Kyla

Napatingin naman sila sakin

"oh? anong tingin yan?" sabi ko

"ikaw na mag hatid.." sabi ni Brie

Lasing na din si Brie kaya hindi na din makakapag drive, ganon din si Tots, Pangs at Kim, so yung mga gf nila yung mag hahatid sa kanila

Kaya ko choice ako..

"Ok, sige ako na mag hahatid.." sabi ko

Nag sipunta na kami sa sasakyan namin, yung car ni Dean si Kyla muna ang gagamit..

"Hoy.. wag mong manyakin yan si Dean ha.." sabi ni Brie sakin, inirapan ko naman sya..

"kapal nito.." sabi ko

Akay akay ko ngayon si Dean. Ipinasok ko sya sa Passenger seat.

Nang maiayos ko na sya, pumunta na ako sa driver's seat, nagpaalam muna ako bago umalis..

Maya maya napahinto ako..

"Ghad! hindi ko alam kung saan addrss ni Dean..." sabi ko sa sarili ko sabay tingin kay Dean na natutulog

Nung nag punta kasi kami sa bahay nila si dad ang nag drive at hindi ko naman tinandaan yung lugar..

Kaya napag pasyahan ko na sa condo nalang ako uuwi..

Yes may condo ako, minsan doon ako umuuwi..

Kapag inuwi ko kasi to si Dean sa bahay baka ano sabihin nila dad..

Nag drive na ako papunta sa condo ko

Nang makarating ako doon, nag park na ako at inalalayan uli si Dean..

Nagising naman sya at tumingin sakin..

Nakita kong ngumiti sya

"S-sorry ha.. mabigat ata ako.." sabi nya

"iinom inom ka kasi hindi mo naman pala kaya.." sabi ko, narinig ko naman na tumawa sya

Nang makapasok kami sa elevator nakita ko na luminga linga sya..

"wait san tayo?" tanong nya

"sa condo ko muna kita dadalhin, pag don sa bahay kita dadalhin baka anong isipin nila dad.." sabi ko, tumango naman sya.. medyo mapungay na yung mga mata nya..

Nang makarating kami sa floor ng unit ko, inalalayan ko uli sya, kapag binitawan ko kasi sya baka matumba sya..

Nang makapasok kami sa condo, pinaupo ko muna sya sa sofa

Pumunta ako ng kusina para uminom ng tubig.. kinuhaan ko na din sya.. kaso habang kumukuha ako ng tubig naramdaman kong may yumakap sa likod ko..

Nagsitayuan naman yung balahibo ko..

shit.. nakayakap sakin ngayon si Dean.. naka back hug sya sakin.. ipinatong nya yung ulo nya sa balikat ko..

"Namiss kita.." sabi nya, medyo paos yung boses nya, at narinig ko suminghot sya..

Umiiyak ba sya??

"D-Dean.. umiiyak ka?" tanong ko, imbis na sumagot sya mas hinigpitan nya ang yakap nya sakin..

"Sorry kung hindi agad kita binigyan ng chance na magpaliwanag dati.." sabi nya, nangilid naman yung luha ko

Humarap ako sa kanya, at hinawakan yung magkabilang pisngi nya at tiningnan yung mukha nya, nakita ko yung luha sa mga mata nya..

Starting over AgainWhere stories live. Discover now