Part 22

1.9K 43 1
                                        

Dean's POV

Kanina pa ako kinukulit ni Carly, inabangan nya talaga ako sa daan, wala daw kasi syang maka duet sa performance nya ngayong darating na event..

Pwede naman kasing single nalang kantain nya... bahay kubo ganon...

"bakit hindi ka nalang kasi mag single?" sabi ko

"eh kasi may kakanta na ng single, eh wala yung ka duet ko tuwing may event.. please naman..." pakiusap nya

Tinuloy ko na yung pag lalakad ko, naririnig ko yung hagikhik ng apat sa likod namin..

"dali na Deans.. ikaw kasi yung naisip ko, kasi diba? ang ganda ng duet natin nung kinanta natin yung the show?" sabi nya pa

"ayaw ko..." sabi ko

"Dean...sige na..!" pakiusap ni Carly..

Ang kulit talaga...

"Ayaw ko nga..." mahinahon na sabi ko

"lilibre kita..." sabi nya

Aba.. susuhulan pa ako..

"ayaw ko parin.." walang ganang sabi ko

"Ano ba yan.. sige na kasi!" inis na sabi nya, sabay hawak sa braso ko..

"Hay nako.. ayaw ko nga sabi..." sabi ni ko, naiinis na ako..

"bahala ka, hindi kita titigilan.." sabi ni Carly..

Bahala ka sa buhay mo...

"edi wag.." kunot noong sabi ko

"talaga! susundan kita hanggang sa bahay nyo..." sabi sakin ni Carly..

Aba...

Tumingin ako sa kanya..

Narinig kong nag tawanan sila Brie

"Deans.. sagutin mo na kasi yan.." asar ni Tots sakin, tiningnan ko naman sya ng masama

mukhang hindi talaga ako titigilan nito...

"Ok...sige na! tigilan mo lang ako.." kunot noong sabi ko

Napatalon naman si Carly sa tuwa

"ayyyiieee!! thank you!! you saved me! you're my Batman!" sigaw nya sabay yakap sakin.. nagulat naman ako..

Isa pa sa kinagulat nya ay yung tawagin nya akong Batman...

Napatingin ako sa di kalayuan, nakita ko si Jema.. nakatingin samin.. pero binawi ko kaagad yung tingin ko sa kanya..

"aaaawwww!" sigaw nila Brie

"ba-bye Dean.." paalam ni Carly.. hindi ko naman sya pinansin, at pinag patuloy ko na yung pag lalakad ko..

Nag iba nanaman yung mood ko ng makita ko si Jema.. nakaramdam ako ng lungkot..

Bat hindi nya kasama si Ethan?

Ramdam kong nakasunod sakin sila Brie

Napahinto ako ng makita ko si Riri na nakatingin sakin, uminit bigla yung ulo ko

Lumapit ako sa kanya at kinuwelyuhan sya..

"Diba sabi ko sayo ayaw na kitang makita??!!" galit na sabi ko, agad namang lumapit samin sila Brie

"Dean..!" awat ni Brie

"Dean.. m-maniwala ka sakin.. hindi ako yun...---aarrrgghhh!!!" sinuntok ko sya..

"ayaw kong marinig yung kasinungalingan mo! t-tinuring kitang kapatid Ri...! hik! tapos g-ganto pala yung igaganti mo sakin?!" sigaw ko habang umiiyak..

Starting over AgainWhere stories live. Discover now