Jema's POV
Uwian na namin, nandito kami ngayon sa parking, hinihintay namin sila Dean at yung mga kaibigan nya.
Maghapon kaming hindi nagkita ngayon.
Kinuha ko sa bulsa ko yung ibibigay ko sa kanya.
Sana mapatawad mo ako sa gagawin ko...
Gusto kong umiyak dahil labag sa loob ko yung gagawin ko.
Ramdam kong may matang nakamasid sakin.
Napatingin naman ako kay Kyla na halatang nag aalala sa akin.
Maya maya nakita ko si Dean, halata sa mukha nya yung lungkot.
Nang makalapit sila samin,tiningnan lang ako ni Brie, alam kong masama parin yung loob nito sakin hanggang ngayon.
Lumapit naman ako kay Dean.
"U-uhmm pwede ba tayong mag usap?" tanong ko, tumango naman sya
Sinenyasan ko syang pumasok sa sasakyan ko, bago sya pumasok sa sasakyan ko, tumingin muna sya sa mga kaibigan nya, pagkatapos nun pumasok na sya.
Pumasok na din ako sa driver's seat, at nag start ng mag drive.
Tahimik lang kami habang nasa byahe, napansin ko naman na may sasakyan na naka sunod samin.
Nang makarating kami sa City of Lights, bumaba ako, sumunod naman sya sakin.
Nakita ko syang umupo sa damuhan habang nakatingin sa maraming ilaw.
Tumabi naman ako sa kanya, isinandal ko yung ulo ko sa balikat nya at pumikit.
Sana ganto nalang tayo palagi...
"sorry..." bulong ko, ramdam ko naman na tumingin sya sakin, naramdaman kong biglang tumulo yung luha sa mga mata ko.
Kinuha ko yung kamay nya at nilagay sa wrist nya yung bracelet na binili ko.
"W-wag mong itatapon to ha?? k-kahit na sobra na kitang nasasaktan... tandaan mong mahal na mahal kita.." sabi ko habang umiiyak, narinig ko na din yung pag hikbi nya
"B-bakit??" tanong nya
"D-Dean.. t-tapusin na natin yung relasyon natin.." sabi ko habang umiiyak
"b-bakit? a-anong nagawa ko? hik, a-alam kong h-hindi ko pa nabibigay yung mga g-gusto mo, hik.. p-pero bumabawi naman ako diba??" mahinang sabi nya habang humihikbi..
Sa bawat hikbi nya, hindi ko maiwasang hindi masaktan, parang tinutusok yung puso ko..
"h-hanggang dito nalang muna tayo D-Dean... s-sorry..." sabi ko, sabay tayo.
Pumasok ako sa sasakyan ko at inistart yung sasakyan at nag drive.
Nang makalayo ako, dun ako umiyak ng umiyak..
Feeling ko maling mali yung ginawa ko... pero pano?? maraming madadamay kapag hindi ko sya hiniwalayan...
Nag text ako kay Brie, sinabi kong sunduin nya si Dean dito sa City of Lights
Maya maya may tumawag sakin.
"Hello.. buti naman at nagawa mo na.. hahaha good girl naman pala..." sabi ng kausap ko sa kabilang linya, biglang uminit yung ulo ko.
"ANO MASAYA KANA??!! HA??! WALA NA KAMI NI DEAN!" sigaw ko habang umiiyak
"aaawww chill baby girl..." sabi nya sabay end ng call..
Naitakip ko yung palad ko sa mukha ko habang umiiyak.. Parang gusto kong balikan si Dean doon.. pero hindi ko magawa dahil alam kong may nakamasid samin..

YOU ARE READING
Starting over Again
FanfictionPaano kapag mahal mo pa pala yung taong iniwan mo? sabi nga ni Vice Ganda,, hindi lahat ng iniiwan pwede mong balikan. Paano kung mahal ka pa nya pero natatakot na syang sumubok ulit sayo dahil natakot na syang masaktan uli?