Part 36

4.5K 88 16
                                    

Jema's POV

Nandito kami ngayon sa room namin, nanonood..

"guys, puntahan kaya natin yung mga boys?" tanong ni Mich

"naku, boys nga lang daw diba?" tanong ng ni Mela

"Pero talaga iba yung kutob ko eh...alam nyo yun? yung girl instinct.. feeling ko may kalokohang gagawin yung mga yon.." sabi ni Ced

"Ako din.." sabay sabay naming sabi.. nagkatinginan naman kami

"gustuhin man nating puntahan guys, di natin alam kung saan.." sabi ni Jho

"Sa kabilang hotel daw.." sabi ko, tumingin naman sila sakin

"kabila? sino nag sabi?" tanong ni Jho

"si Dean kanin.." sabi ko

"tara guys, puntahan natin.." sabi ni Cess

Agad naman kaming tumayo at lumabas ng room.

Nag lakad lang kami dahil malapit lang naman..

Pag pasok namin sa Hotel, nag tanong agad kami sa staff nila..

"Mam, 4th floor yung 8457 po.." sabi ng staff, agad naman kaming pumunta doon..

Nang makarating kami sa tapat ng room, hinawakan ko yung doorknob..

"guys, hindi nakalock.." sabi ko, tinanguan naman nila ako

Pag bukas ko, nanlaki yung dalawang mata ko..

Nakita ko lang naman si Dean na nakahiga sa lapag at may nakapatong sa kanyang babae...

Biglang umusok yung yung ilong ko sa sobrang inis...

Tumayo sya habang nakatingin sakin, parang sobrang hirap syang tumayo at halatang lasing na din..

Agad akong naglakad paalis..

Naku Dean! sinasabi ko talaga sayo!!!

"J-Jema! w-wait...!" habol sakin ni Dean

Bahala ka sa buhay mo!!

Pero bago pa ako makalayo, nahawakan na nya yung kamay ko, nagulat ako kasi nadapa sya, kaya agad ko syang inalalayan...

"Jema wait...mag eexplain ako..! h-hindi ko alam na may ganon.. please..! u-umiwas lang ako kanina k-kasi hahalikan nya ako.. pero na out of balance ako k-kaya natumba kami.." sabi nya, medyo napapapikit sya dala na din ng pagkalasing

Nawala naman ng konte yung inis ko, alam ko kasing nag sasabi sya ng totoo..

Agad namang may lumabad sa pinto..

"Pogi...bakit mo ako iniwan?" tanong ng babae habang palapit samin..

Hahawakan nya sana si Dean pero galit akong tumingin sa kanya..

"Subukan mong hawakan yung boyfriend ko at makakatikim ka sakin, baka makalbo pa kita!" inis na sabi ko, nakita ko naman sa mukha nya yung gulat

"Ayy ano ba yan.. kala ko pa naman makaka tikim na ako kay pogi.." sabi ng babae, pinakita ko naman sa kanya yung kamao ko

"ito? gusto mong matikman?!" sabi ko, patakbo naman syang umalis..

Inalalayan ko na si Dean sa pag tayo, maya maya nakita kong isa isa ng nagsilabasan yung mga babae.. kasunod sila Tots na hawak hawak ni Ced sa tenga.. si Mich na galit na nakatingin kay Pangs, si Mela na hinahampas sa braso si Kim habang sinesermonan, si Jho na naka alalay kay Brie habang nakabusangot ang mukha, at si Cess na hawak din sa tenga si Riri

Natawa naman ako sa kanila..

"hala! sige! parusahan yang mga yan! hahaha" sabi ni Kyla..

Nang makarating kami sa room ng mga lalaki, nakahilera silang nakaupo sa kama.. habang kami nakatayo sa harapan nila

Starting over AgainWhere stories live. Discover now