Jema's POV
Maaga akong pumasok sa office, marami kasi akong aayusin na files para sa meeting mamaya.
"Thang..." tawag ko sa assistant ko
"Yes Mam?" tawag nya
"Ano nga uli yung oras ng meeting?" tanong ko
"10 AM po" sagot nya
Tumingin naman ako sa relo ko
9 AM na, isang oras nalang..
"Naka ready na ba yung conference room?" tanong ko kay Thang
"Yes Mam, at nandon na din po si Sir Bryan, mukhang excited nga po Mam..." sabi ni Thang, natawa naman ako
Si Thang matagal ko na syang kilala, anak sya ng katulong namin, para makatulong kami sa pamilya nila kinuha ko sya bilang assistant, tapos din naman sya ng college at marunong sa trabaho
Maya maya pumunta na kami sa conference room
Pag pasok ko sa conference room agad na napatayo si Mr. Bryan at inayos yung coat nya
"G-Good Morning Jema.." nakangiting bati nya sakin,
"Good Morning Bryan, coffee??" tanong ko sa kanya
"No Thanks, juice nalang.." sabi nya, tumango naman ako at tumingin kay Thang, agad naman syang gumalaw
"Wala pa si Mr. Wong?" tanong ko, umiling naman sya
"Ako palang dito.." sabi nya
Ang tagal naman ni Riri...
"Uhmm Jema.. kamusta kana? lalo kang g-gumaganda.." sabi nya
"Thank you.." nakangiting sagot ko
Ano ba yan.. Riri dumating kana kasi.. na o awkward ako sa taong to...
Maya maya pumasok si Thang na may dalang juice
"Mam nandyan na po si Mr. Wong.." sabi ni Thang
"Ok.." sabi ko, kinuha ko yung mga files at tiningnan ko yun..
Narinig kong bumukas at sumara yung pinto kaya napatingin ako doon.
Nagulat ako at bumilis ang tibok ng puso ko..
"Mam, meet Mr. Dean Wong Jr. kasama nyo sa meeting today.." sabi ni Thang, nakatingin lang ako kay Dean, ganon din sya sakin
napatingin naman ako sa hawak kong papel
Shit.... bakit ba hindi ko binasa tong binigay ni Thang kahapon? akala ko si Riri ang ka meeting namin.. si Dean pala.. omg!
Agad kong pinakalma yung sarili ko...
Relax.. Relax...
"Ehemmm Mr. W-Wong, welcome to our c-company" sabi ko, ngumiti naman sya
"Thank you.." sabi nya, dumaan sya sa gilid ko, at tumaas yung balahibo ko sa binulong nya
"You look so beautiful today..." medyo husky yung boses nya, alam kong ako lang yung nakarinig non kasi pabulong lang..
Shit!
Umupo sya sa harap ni Bryan na nakatingin sa kanya..
"e-ehem! uhm Mr. Bryan Santos, meet Mr. Dean W-Wong Jr." pakilala ko, tumayo naman si Bryan, ganon din si Dean, at nagkamayan sila
"Let's start our meeting...?" tanong ko
"Yeah.." sabay nilang sabi
Halos isang oras din yung meeting namin..

YOU ARE READING
Starting over Again
FanfictionPaano kapag mahal mo pa pala yung taong iniwan mo? sabi nga ni Vice Ganda,, hindi lahat ng iniiwan pwede mong balikan. Paano kung mahal ka pa nya pero natatakot na syang sumubok ulit sayo dahil natakot na syang masaktan uli?