Part 8

2.3K 59 0
                                        

Jema's POV

Saturday ng hapon, nag aayos na ako para sa party kila Brie..

Susunduin ako nila Tots dito, kaya nag mamadali na ako..

Pag baba ko, nag paalam na ako kila Mommy dahil nandyan na daw sila..

Nang makita ko yung sasakyan ni Tots, sumakay agad ako..

"Hi Jema..." bati ni Tots..

"Hello Tots.." bati ko din

"Mareng Chema.. ganda natin ngayon, may pinag handaan?" tanong ni Ced

"Ewan ko sayo Ced..." sabi ko, natawa naman si Tots

"Love, pupunta ba si Dean kila Brie?" tanong ni Ced,

"Yup, tutulong sya don.." sabi ni Tots

"So, hindi natin sya makaka jamming don?" tanong ni Ced,

"Hay nako.. pinipilit nga sya ni Brie na wag ng tumulong.  kaso itong si Dean, ayaw.. sayang daw isang araw na sweldo nya.." inis na sabi ni Tots

"Grabe nu? sipag nya talaga.." sabi ni Ced, tumango naman ako.

"Sobra...pero alam ko hindi sya masyadong pag tatrabahuhin ni Brie ngayon, kasi---" naputol yung sasabihin ni Tots ng biglang nag Ring yung phone nya..

Sinagot nya naman iyon...

Si Brie pala yung tumawag, tinatanong kung nasaan na daw kami.. sabi naman ni Tots malapit na kami..

Maya maya lang, nakarating na kami sa malamansyon na bahay ni Brie..

"Grabe.. yaman naman talaga ni Brie no?" tanong ni Ced

"Oo naman.." sabi ni Tots..

Pag pasok namin, marami ng bisita.. nandon na din sila Mich, Kyla, Jho, Pangs, Mela, at Kim, nandon din si Brie lumapit kami sa kanila..

"Buti nakarating na kayo..." nakangiting sabi ni Brie

"Where's Dean?" tanong ni Tots, tinuro nya naman si Dean, napatingin din ako

Nasa mini stage sya... nag aayos ng sound...

"Don't worry guys, mamaya makiki join sya satin.." nakangiting sabi ni Brie

Maya maya nag start na yung party.. nag salita lang yung Daddy ni Brie para mag pasalamat sa mga dumalo.. Anniversary pala nila ng asawa nya..

Medyo madilim na, pinuntahan  na din kami dito ni Ponggay at nakipag kwentuhan samin.. napaka kwela nya pala...

Oo na hindi na ako inis sa kanya...

Maya maya hinanap na ng mata ko si Dean..

Asan na si Dean?

Biglang umakyat naman sa stage si Ponggay at nag salita..

"Good Evening Everybody.. aalayan ko muna kayo ng song.. kay Tito and Tita.. Happy Anniversary po sa inyo..." nakangiting bati ni Ponggay sa magulang ni Brie

Napangiti naman ako ng biglang umakyat sa stage yung kanina pa hinahanap ng mata ko..

"Ui ayon si Dean oh.." sabi ni Ced

Nakita ko naman na umupo si Dean sa may drum..

So mag da drum sya?

"Wow.. sya yung mag piplay ng drum?" tanong ni Jho, nakangiti namang tumango si Brie

Nag start na silang tumugtog..

Napangiti naman ako ng mag umpisa ng magbdrum si Dean..

Kiss Me by Sixpence none the richer

Starting over AgainWhere stories live. Discover now